31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Online Horoscope Hunyo 23, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Maliit na suwerte muna ang mapapasa iyo pero kung gagamitin mo ang mga ito  sa negosyo lalago ito tulad ng punong kahoy na nagmula sa maliit na buto, ngunit pagdating ng tamang panahon ay makikitang hitik na hitik sa matatamis na bunga. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 12, 19, 32, 33, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Mapapasa iyo ang mga suwerteng pinakaaasam ng marami dahil sa pamamagitan ng iyong malakas na kutob matsatsambahan mo ang kumibinasyon ng mananalo. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 9, 14, 25, 32, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Habang siniskap mong lutasin ang iyong mga suliranin, lalong bumibigat ang iyong mga pasanin. Kapag hinayaan mo lang ang mga ito, magugulat ka pa, parang lagay ng panahon, ang malakas na bagyo ay tuluyan na riing mawawala at tatangayin ng hangin, kamugat-mugat mo wala ka naman pala talagang problema. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 4, 8, 22, 28, 31, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Lubos kang pagpapalain sa araw na ito. Habang nagtatangkang bumuhos ang ulan at hindi maipintang panahon, dating naman ng dating sa buhay mo ang suwerte, hindi lamang sa career at sa salapi, kundi maging sa biglaan at hindi inaasahang masasarap at nakapananabik na romansa. Mapalad ang kulay na magenta. Masuwerteng numero ang 3, 6, 15, 21, 30, 33 at 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Bilang paalala sa iyo ngayong nalalapit na ang karawan mo, hindi naman kailangang magkaroon ng magarbong handaan. Kahit mumurahing pansit lamang at konting inumin ay sapat na, para sumaya naman ang mga taong babati sa iyo. Ang mabuting balita sa kaarawan mong ito ay ganito: “sa bawat bati na mula sa puso na maririnig mo, may katumbas itong mga biyaya at pagpapala na ang langit mismo magkakalooban sa iyo.” Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 27, 29,  35, 39, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Nagyon pa lang kahit malayo-layo pa ang kaarawan mo. magsuot ka na ng mga damit na masasaya ang kulay. Makaaasa ka na ang mga magagandang kapalaran ay maaga mong matitikman, lalo na sa pag-ibig at sa materyal na bagay. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  5, 17, 27, 35, 39, 42.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Napakalakas ng iyong karisma. Pero puwedeng ito rin ang magbigay sa iyo ng problema, dahil marami sa mga madidikit sa iyo ay pangangarapin na maging bahagi ka ng kanilang buhay. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 11, 25, 29, 34, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Habang naiisip mo ang mga bagay na magaganda, makipagsapalaran ka, dahil tiyak na mananalo at magwawagi ka. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 2, 7, 25, 37, 40, 43.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Tulad ng tala sa silangan, magiging makislap ang iyong buhay ngayon. Masisilaw maging ang iyong mga lantad at lihim na kaaway. Kaya ngayon pa lang magsisigawa na sila ng paraan para mapalapit sa iyo. Ngunit hindi ka dapat magtiwala ng basta-basta dahil marami rin sa mga magiging kaibigan mo ang magte-traydor sa iyo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 18, 23, 39, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Bawat lakas ng loob na iyong ipamamalas ay may katapat na suwerte. Kaya bukod sa magbubunga ng magandang kapalaran ang iyong tapang may dagdag pa ito na masasayang kaganapan. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 1, 19,  26, 31, 33, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Maiiba ang mga pangyayari sa iyong buhay at medyo malilito ka. Pero kapag napawi na ang malamig na hanging dala ng magulong panahon, sa bandang huli papabor din sa iyo ang lahat ng mga pangyayari at sitwasyon. Mapalad na kulay ang olive green. Masuwerteng numero ang 7, 16, 25, 28, 31 at 34.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ikaw ang tagapagbigay ng mga ideyang magpapaganda at magpapasaya sa lahat. Ito ang papel mo sa mundo. Inaasahan lilitaw ang iyong mga espesyal na talino at kahusayan. Kasabay nito, sa sandaling lumitaw ang mga espesyal mong talino at kahusayan, lalo kang susuwertehin at magkakaroon ng magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 5, 13,  25, 29, 31, 45.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.