27.4 C
Manila
Thursday, July 18, 2024

Online Horoscope Hunyo 22, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Kaya mong patumbahin ang anumang hamon ng buhay na ilalagay sa iyong harapan ng iyong kapalaran. Malakas ka at matapang kaya walang alinlangang ikaw ay magtatagumpay. At matapos mong manaig at magtagumpay marami pang suwerte at magagandang kapalaran ang iyonng aanihin. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 27, 29,  35, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Pag-ibig ang diwa at tunay na esensiya ng buhay, kaya hindi mo dapat pagdamutan ng pagmamahal at pagpapatwad ang mga taong nakasamaan mo ng loob. Ikaw ang unang bumati sa kanila ng sa ganon ay mawala ang bigat ng iyong damdamin. Kapag ganyan ka walang bigat ng damdamin sa iyong puso, tuloy-tuloy ka nang pagpapalain ng tadhana. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 1, 17, 22, 28, 39, 44.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Ito ang araw na kung ano ang gusto ng mahal mo yon ang gawin mo at iyon ang ibigay mo sa kanya, upang kung ano rin ang iyong gusto yon din ang ibibigay nya sa iyo. Kapag nagbigayan kayo ng walang reklamo, magdaratingan ng mabilis ang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 18,  27, 31, 33, 44.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Sa panahong itong nalalapit na ang iyong kaarawan, hindi lang ang kapalaran mo ang gumaganda, dahil ikaw mismo ay gumaganda, kaya nga hindi na nakapagtataka kung bakit parami ng parami ang nangangarap na ikaw ay makasama. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 5, 16, 23, 35, 41, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na muling nasa todong lakas ang iyong kapangyarihan. Bilang paalala, huwag kang magsalita ng masama sa iyong kapwa dahil mangyayari at magkakatotoo ito ang lahat ng iyong sasabihin. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  7, 11, 19, 32, 33, 41.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Muli kang reregaluhan ng langit ng tapang at kasipagan, upang ang hindi mo natapos na mga proyekto nitong mga nagdaang araw at linggo ay iyo ng matapos at mabigyang katuparan na mamumunga ng dagdag pang suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 3, 19, 25, 29, 33, 45.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Hindi ka maaawat sa pagbili mo ng kung ano-ano na ang katuwiran mo ay mura at maganda. Ang importante kasi sa iyo sa mga panahong ito ay ang mapasaya mo ang mga mahal mo sa buhay. Pinapanood ka ng langit, at dahil sa kabutihan ng iyong kalooban, mas marami at mas malalaking suwerte na hindi matutumbasan ng salapi ang matatanggap mo.  Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 2, 19, 26, 37, 40, 44.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Huwag mong palagpasain ang magagandang pagkakataon na kumita ka ng malaking halaga sa isang transakyon na ang salita at pag-aalok lamang ang iyong puhunan. Samantalahi mo ang suwerte at magandang kapalarang nagsisimula na namang magdatingan sa iyong harapan. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  4, 17, 28, 31, 34, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Palakas ng palakas ang dating sa iyo ng magandang kapalaran. Kaya ikaw ay pinapayuhan na bilisan mo ang pagsasaayos ng iyong pagkatao at bilisan mo rin ang pagpapatupad ng iyong mga plano. Kapag ganyan ka, marami pang tagumpay at mga biyaya ang darating sa iyo. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  6, 12, 27, 33, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Dama mo ang paghihirap at problema ng iyong kapwa. Sa dahilang ang papel mo sa mundo ay ang alalayan sila. Habang inaalalayan mo ang mga naghihirap at namumroblema sa buhay, ang igaganti naman sa iyo ng langit ay sunod-sunod na suwerte at magagandang kapalaran. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  8,  10,  25, 34, 36, 43.   

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Bawal sa iyo ang maging sobrang emosyonal. Hindi malulutas ang mga suliranin kapag ang isip mo ay tinalo ng iyong damdamin. Lagi mong pairanin ang wisyo, sapagkat ang tamang pagpapasya, ang magdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 6, 18, 24, 32, 38, 42.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na itinakda upang gamitin mo ang kapangyarihan ng pagtulong at pagmamahal sa kapwa. Pagbibigay sa mga kapos-palad at pagtulong sa mga nangangailagan ang pangunahin mong dapat na gawin. Kapag ganyan ka, yong dating suwerte na dumarating sa iyo ay agad-agad na magbabalikan at madadagdagan pa ng madadagdagan  hanggang sa ikaw ay yumaman. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  5, 12, 28, 36, 39, 44.    

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.