29.5 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Online Horoscope Hunyo 18, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Ito ang araw na tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag na ang pangalan ay “sinag-tala”, na ngangahulugang kung ano ang gusto mo yon ang mangyayari.  Kaya mag-isip ka na ngayon ng isang bagay na gustong-gusto mo talagang mangyari. Iwasang mag isip ng masama sa iyong kapwa, dahil yon nga ang mangyari. Sa halip, puro mabubuting bagay lamang ang gustuhin at isipin mo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  3,  17,  24, 33, 38, 42.   

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Ito ang araw na susunod sa mga sinasabi mo ang mga pangyayari. Kapag sinabi mong ikaw ay mahina, hihina ka  pero kapag sinabi mong ikaw ay malakas ngayon tiyak na lalakas ang iyong kapangyarihan. Ang kapangyarihan mo ay ang sumagap ng suwerte at magagandang kapalaran, na palakas pa ng palakas sa bawat araw. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 6, 19, 27,  36, 39, 42.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Hindi mo kailangan ang ibang tao para sa sarili mo pero ikaw ay kailangan nila para sila ay sumaya. Sumama ka sa kanila, upang makapagbigay ka ng saya sa mga taong nalulungkot. Kapag nakapagbibigay ka ng saya, dagdag na suwerte at magagandang kapalaran ang idudulot sa iyo nito. Mapalad ang kulay na pink.  Masuwerteng numero 5, 17, 23, 34, 41, 43.

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Malakas ang pang-higop mo sa araw na ito. Lumayo ka sa mga negatibong tao at mareklamo dahil mahihigop mo sila. Dumikit ka at magsasama sa mga sinusuwerte sa mga may sinasabi at sa mga mayayaman na tao, dahil kadidikit mo sa kanila, mahihigop mo ang kanilang suwerte at malilipat sa iyo. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 9, 16,  27, 35, 39, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Maaandap sa iyo ang mga nasa tabi mo. Ibig sabihin sa araw na ito ay walang puwedeng kumontra sa mga kagustuhan mo dahil ang sinumang kokontra sa kagustuhan mo ay dadatnan ng kamalasan, habang ang suwerteng dapat ay mapapasa kanila ay mapupunta sa iyo. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  9, 19, 25, 32, 34, 44.    

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22)  Kung ano ang gusto mo ay gawin mo. Dahil sa ganitong paraan matutuklasan mong kailangan mo lang palang gawin ang gusto mo at maaakit mo na ang suwerte at magagandang kapalaran.  Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  1, 10, 28, 38, 34, 44.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Tatalunin mo ang lahat ng magtatangkang lumaban sa iyo. Silang lahat ay walang magagawa laban sa iyo dahil ikaw ay talaga namang ipinanganak upang magwagi at manalo lalo na sa labanan ng pagandahan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  3, 9,  18, 33, 39, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Dagdagan mo pa ang tiwala mo sa iyong sarili. Ipakita mo sa mundo na may kakayahan kang abutin ang iyong ambisyon. At ang ambisyon mong ito ay siguradong iyong maaabot. Yayaman ka at magkakaroon ng maraming mga ari-arian. Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 8, 17, 25, 31, 37, 42.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) “Panalo”. Ito mismo ang kahulugan ng araw na ito sa iyong kapalaran. Ito rin ay tanda na hindi ka matatalo sa anumang laban ng buhay. Kaya ang mga hamon ng kapalaran ay siguradong mapagtatagumpayan mo. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 33, 39, 42, 45.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19)  Narinig ng langit ang hiling mo na bigyan ka ng lakas ng loob, kaya ngayon ay binigyan ka at ito ay sobrang lakas ng loob. Kaya wala kang katuwiran kapag hindi mo pa ginawa ang mga bagay na gusto mong gawin sa buhay mo. Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 1, 7, 16, 28, 35, 41.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18)  Araw-araw ay bagong araw sa iyo, kaya wala kang karapatang magsabi na malayo sa iyo ang mga swuwerte. Kaya lang nauudlot ang suwerte at magandang kapalarang papalapit na ng papalapit sa buhay mo, ay masyado ka kasing maarte. Kapag nawala na ang kaartehan mo sa buhay, ang suwerte at magandang kapalarang naka-abang na ay tuloy-tuloy ng papasok sa iyon pagkatao. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 2, 19, 23, 28, 31, 44.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Unti-unti ng tumatalab sa ‘yo ang iyong lucky charm. Dahan-dahan hanggang sa biglang ang iyong buhay ay makikitang paunlad nang paunlad. Himas lang ng humas sa iyong lucky charm upang lalo pang lumakas ang bisa nito.  Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 7, 16,  25, 28, 31, 40.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.