31.6 C
Manila
Friday, July 19, 2024

Online Horoscope Hunyo 17, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19)  Tulad ng mga ilaw sa poste, hindi lang liwanag ang darating sa iyong kapalaran,  kundi makislap na makislap at kumikinang na nagsasabing, sobrang maraming-maraming biyaya ang iyong makakatan sa susunod na mga araw.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 5, 17, 25, 31, 39, 42.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20)  Kumapit ka sa hangarin mong mapaunlad ang buhay ng iyong pamilya. Hindi ka pababayaan ng langit na manatili sa hindi magandang katayuan sa buhay. Masaya, tagumpay at magandang kinabukasan ang sa iyo ay matagal ng inilaan ng nasa itaas. Mapalad  ang kulay apple green. Masuwerteng numero  1, 4, 26, 28, 34, 40.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)   Bagamat nahihirapan ka ngayon, hindi ka dapat sumuko, dahil bago ka pa isinilang pinagkalooban ka na ng kakaibang suwerte at magandang kapalaran. At ang kakaibang suwerte at magandang kapalaran ito ay ay may kaugnayan sa materyal na bagay. Oo ito ay ang tiyak mong pagyaman. Mapalad na kulay ang gray. Masuwerteng numero 4, 17, 26, 31, 34 at 40.  

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Naghihintay sa iyo ang masaya at masarap na buhay kung hindi ka maduduwag na maging bahagi ng kapalaran ng isang handang ibigay ang lahat ng iyong pangangailangan. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  8, 9,  18, 33, 39, 45.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ito ang araw na mauunawaan mo ang lihim ng buhay tungkol sa mga nagkukunwaring mga kaibigan para lang ikaw ay paulit-ulit na maisahan. Mag-ingat sa mga taong maaaring trumeydor sa iyo sa susunod na mga araw. Sa halip, sa panahon ngayon mas mainam na magbuhos ka ng mas maraming oras at lakas sa negosyo. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  4,  17,  22, 33, 38, 44.   

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Ito ang araw na pansamantalang makakalimutan mo ang pagpupumilit na ikaw ay umasenso dahil ang uunahin mo ay ang kaligayahan ng iyong kapwa at ng mga mahal mo sa buhay. Dahil d’yan, umaasa kang lalo kang gagantimpalaan ng mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ng langit.  Mapalad na kulay ang violet.  Masuwerteng numero 2, 7, 16, 28, 35, 41.

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23)  Ang iba ay kailangang pang magpakasipag ng magpakasipag upang umasenso. Ang sa iyo ay kakaiba, kahit hindi ka magpakasipag, tuloy pa rin  ang dating ng suwerte at magdang kapalaran sa buhay mo dahil noon pa nakatala na ang pangalan mo sa listahan ng langit na laging susuwertehin sa buhay. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero 6, 12, 33, 39, 42, 45.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Mas masayang kasama ngayon ang mga kaibigan kaysa sa ilang mahal mo sa buhay na hindi ka naman nauunawaan. Sa mga kaibigan makakasumpong ka ng kapanatagan ng isip, dagdag na suwerte at magandang kapalaran. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero 2, 11,  25, 28, 31, 40.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Kulang na kulang ang maraming mga bagay kung ikukumpara sa dami ng mga magagandang kapalarang nagdaratingan sa iyong buhay. Kapag sobra-sobra ka na, ipamahagi mo ito sa iba, upang lalo ka pang suwertehin.   Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 3, 9, 27,  36, 39, 42.

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Kaya lang naman matamis ang isang tagumpay kung ito ay pinaghihirapan. Nagyon ay mahihirapan ka sa mga hamon ng kapalaran subalit ang mga hamong ito ay may kasamang suwerte at kakaibang buenas. Kaya naman bukod sa matamis na lasa ng tugumpay malalasahan mo rin ang totoong lasa ng tinatawag na buenas. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  7, 16, 22, 31, 34, 44.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Iyo ang araw na ito. Kaya lang kailangang mataintim kang magdasal mamayang gabi. Idulog mo ang mga kahilingan mo sa langit. Tiyak na bibigyan ng kagyat na katuparan ang iyong mga kahilingan upang malubos ang iyong kagalakan. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  1, 19, 25, 32, 34, 44.     

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Hindi pa tumitigil ang pagbuhos ng mga suwerte mo. Ipagpatuloy mo ang pagmamahal mo sa ‘yong kapwa at sa mga nasa mababa, lagi mo silang alalayan ng sa ganon ay lalo ka pang pagpalain ng nasa itaas. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 6, 16, 23, 28, 31, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.