29.5 C
Manila
Sunday, July 14, 2024

Online Horoscope Hunyo 13, 2024

ARIES  (Marso 21 – April 19) Mag-aalab ang hangarin mong maabot ang pinakamataas na pagunlad sa iyong buhay. Dahil dito walang pagdududa na iiwan mo ng milya-milya ang mga karibal mo at kakumpetensya.  Mapalad na kulay ang lilac. Masuwerteng numero 2, 16, 29, 31, 34, 41.

TAURUS – (April 20 – Mayo 20) Isa lang ang pormula upang suwertehin ka at magpatuloy ang dating ng magandang kapalaran. Magtiwala ka sa iyong sarili. Kapag nagawa mo yan, simula ngayon, mapapasa iyo ang malalaking suwerte at ang magagandang kapalaran noon mo pa hinihintay na dumating. Mapalad na kulay ang red.  Masuwerteng numero 7, 18,  27, 35, 38, 43.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 21)  Totoong sobrang marami ang mga biyayang ilalagay ng langit sa iyong harapan. Magkagayunman ang payo para sa iyo ay nagsasabing kung ano lang ang sapat para sa iyo ay ‘yon lang ang dapat na kuhanin mo. At ang anumang sosobra ay dapat na ipamigay mo naman sa iba. Mapalad ang kulay na silver. Masuwerteng numero  2, 19, 24, 32, 34, 44.    

CANCER (Hunyo 22 – Hulyo 22) Ilabas mo ang iyong likas na kabaitan. Ilitaw mo ang maamo mong kalooban. Hanggang sa gamitin ka ng langit para sa pagtulong sa kapwa at pagkakawalang gawa. Matapos kang tumulong at magkawang gawa, ang lahat ng suwerteng noon mo pa dinadasal-dasal ang magdaratingan na sa iyo. Mapalad na kulay ang maroon. Masuwerteng numero 1, 9, 27,  33, 37, 42.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) Ibinilang ang iyong pangalan sa mga taong pagkakalooban ng magagandang kapalaran. Kung nagkataong ikaw ay naghihirap, ay umaasa ka na ikaw ay yayaman. Kapag mayaman ka na ay lalo ka pang yayaman. Mapalad na kulay ang black.  Masuwerteng numero 8, 14,  25, 31, 35, 42.

VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) Tagapayo!  Ito ang magiging pangunahing papel mo sa mundo. Dahil dito pagkakalooban ka ng langit ng sapat na talino na magagamit mo sa mga nagsisilapit sa iyo at magagamit mo rin sa iyong sarili. Ang talino ding ito ang magbibigay sa iyo ng suwerte at magagandang kapalarang habang ginagamit mo sa pagtulong sa kapwa at sa mga nangangailagan. Mapalad na kulay ang yellow. Masuwerteng numero  6, 14, 19,  32,  39, 41. 

LIBRA (Setyemrbe 23 – Oktubre 23) Darating ang mga oportunidad upang ikaw ay yumaman. Ang payo ay sunggaban mo agad, bago maka-alpas ang minsang magagandang kapalarang dumarating sa iyong buhay. Mapalad na kulay ang emerald green. Masuwerteng numero  2, 9,  20, 34, 33, 42.

SCORPIO (Oktubre 24 – Nobyembre 21) Kumilos ka at sundin mo ang nasa isip mo. Habang sinasaisip mo na hindi ka mabibigo, yon nga ang mangyayari. Kaya madali lang upang magkaroon ka ng suwerte at magandang kapalaran. Lagi mong isiping hindi ka mabibigo at makikita mo, talagang magtatagumpay ka. Mapalad a ang kulay apple green. Masuwerteng numero  1, 18, 21, 29, 32, 45.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) Narinig mo na ba ang kasabihang, “Marami ang aanihin, pero kakaunti ang taga-ani?”  Sa araw na ito kabilang ka sa taga-ani, kaya ang kabang-yaman mo ay mapupuno at aapaw ng aapaw. Mapalad na kulay ang tangerine. Masuwerteng numero  5,  10,  22, 38, 40, 44.   

CAPRICORN – (Disyembre 22 – Enero 19) Dahil sa likas na kabutihan ng iyong loob, nangangako ang langit na ikaw ay iingatan at babatayan. Ibig sabihin, ang mga pangit na pangyayari ay hindi maghahari sa iyong buhay at sa iyo mismong kapalaran. Kung dumating ang mga negatibong pangyayari, sandali lang ito at umasa kang mapapalitan agad ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang kulay ang blue. Masuwerteng numero  5, 13,  21, 31, 35, 40.

AQUARIUS – (Enero 20 – Pebrero 18) Kakaibang saya at ligaya ang mapapasa iyo. Kahit pa malungkot ka ay sandali lang ang iyong kalungkutan. Ang tunay na dahilan nasasagap ng sarili mo na ikaw ay susuwertehin. Mapalad na kulay ang magenta. Masuwerteng numero  2, 14, 25, 32, 41, 45.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) Ito ang araw na itinalaga na maging isa sa natatanging araw mo. Ibig sabihin puwede kang humiling sa langit ng espesyal na bagay at ang hihilingin mong ito ay tiyak na bibigyan ng katuparan. Mapalad ang kulay na orange.  Masuwerteng numero 4, 13, 23, 28, 37, 44.

Related Articles

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -spot_img

Latest Articles

Join us today!

Get access to exclusive content

Are you ready to take your experience to the next level? Unlock a world of exclusive benefits by joining our premium content community. As a member, you'll gain access to a wealth of valuable resources, tailored specifically for you.