Supporters, Hindi Bashers Ang Kailangan Ng Ating Mga Manlalaro

Nakakadismayang isipin na sa kabila ng excitement ng ating mga manlalaro sa SEA GAMES ay tila hindi nila lubos na maeenjoy ang kanilang paglalaro para ilaban ang ating bansa dahil sa kaliwa’t kanang problemang kinakaharap ngayon ng nasabing palaro. Magmula pa man sa paglapag dito sa ating bansa ng kanilang mga makakalaban hanggang sa pagkain, sasakyan at matutuluyan. Mukhang hindi naging maganda ang impresyon nila sa atin kaya naman kabi-kabilang pambabash ang pinaulan sa social media. Dito talaga mapapatunayan kung gaano ka-powerful ang social media dahil anumang lumabas dito ay agad kinakagat ng mga netizens. Although marami pa rin naman sa mga netizens ang nag-iisip ng ayos, hindi pa rin maiwasan na malaki rin ang nagiging impluwensya ng mga kritiko.

Ayon kay Panelo, hindi ito nagustuhan ng pangulo kaya naman nagbuo ito ng isang committee na mag-iimbestiga sa mga nangyaring kaganapan matapos ang laro. Kahit pa maging involve dito ang kaalyado ng pangulo na tumakbo bilang bise presidente noong 2016 na si House Speaker Alan P. Cayetano. Sinabi ni Panelo na walang kai-kaibigan sa pangulo. Kung si Cayetano ay may kinalaman o kasalanan ay dapat itong mapanagot. Si Cayetano ay umani ng batikos at naakusahan dahil sa naging budget delay para sa SEA GAMES.

Isa pang kinukuwestiyon kaugnay sa Sea Games ay bakit daw ang pribadong grupo na pinamumunuan ng mga pulitiko ang siyang namamahala sa nasabing palaro sa halip na ang gobyerno mismo? Ang PHISGOC (Philippine Southeast Asean Games Organizing Committee) ay binatikos dahil sa hindi pa tapos na venue at hindi magandang accomodation sa mga nagdatingang mga athletes.

Sa harap ng mga problemang ito na kinakaharap ng Sea Games, kaysa maki-join sa mga bashers ay bakit hindi na lang natin ipakita ang suporta sa ating mga manlalaro. Supporters at hindi bashers ang kailangan nila sa ngayon. Tulungan natin sila na mapagwagian ang laban at sama-sama tayong maging proud sa ating bansa. Saka na natin panagutin ang mga pumalpak kapag tapos na ang laro dahil wala namang perpekto.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here