Superhero ang Dating Kahit Ordinaryong Tao

86

Minsan sa ating buhay ay iniisip natin na maging superhero tayo lalo na ang mga kabataang nasa dekada 80’s at 90’s. Paano ba naman kasi ang mga palabas noon ay puro tungkol sa mga superhero kaya may mga pagkakataon na iniisip din natin na maging tagapagtanggol ng naaapi.

May mga nag-boxing at nag-aral ng karate. Ngunit hindi iyon sapat para masabi nilang superhero sila. Well, kapag dumating ang pagkakataon ay magagamit nila ang kanilang kaalaman ngunit may mga tao na higit pa sa pakikipaglaban ang gusto nilang nilang gawin para mapatunayan nilang kakaiba sila sa marami.

Ang mga taong tinutukoy ko ay iyong gustong magkaroon ng agimat. Sa pamamagitan kasi nito ay magagawa na nilang protektahan ang ibang tao tapos may mapapatunayan pa may kakayahan siyang maging malakas, as in sobrang lakas dahil hindi siya tatablan ng bala o kung anumang sandata. Magagawa pa nilang mabuhay ng matagal.

Ang agimat daw ay nakukuha kapag sumasapit ang Biyernes Santo pero may mga taong may kakayahan na makagawa o makapagbigay ng agimat. At kung may suot kang agimat ay hindi ka raw mawawala sa mundong ito hanggang hindi mo iyon naalis sa katawan mo o wala kang pinagpapasahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here