Sunog sa Parola

Bago tuluyang magpaalam ang 2019 ay nauna nang nagpaalam ang mga tahanan ng nasa higit isandaang pamilya sa Parola Compound, Tondo Manila. Nakakalungkot isipin na sasalubungin nila ang bagong taon na wala na silang tahanang masisilungan. Sabi nga, manakawan ka na huwag ka lang masunugan. Hindi ito ang unang pagkakataon na sumiklab ang sunog sa Parola Tondo Manila, pero tulad ng dati ay hindi pa rin matatawaran ang kalungkutan na bumabalot ngayon sa mge residente ng nasabing lugar. Lumalabas sa imbestigasyon na ang apoy ay nagmula sa second floor ng two-storey residential building na pagmamay-ari ng isang Joel Acontillado. Ang apoy ay mabilis na kumalat sa mga katabing bahay nito hanggang sa tuluyan na nga itong lumaki at umabot sa 4th alarm sa ganap na 10:45 ng umaga. Limang katao ang tinatayang nasugatan sa nasabing sunog. Nasa labing anim na trak ng bumbero ang rumesponde. Ayon sa mga fire authorities, ang sunog ay naapula bandang 1: 19pm. Sa kasalukuyan ay tuloy pa rin ang imbestigasyon sa kung ano nga ba ang tunay na pinagmulan ng nito.

Wala namang tao ang gugustuhin na makaranas na masunugan. Kaya dapat sa lahat ng oras ay nag-iingat tayo. Unang una na sa paggamit ng mga appliances at gadget na de kuryente. Hindi natin dapat hinahayaan na nakasaksak ang mga ito kung hindi naman ginagamit, lalo na kung tayo ay aalis ng bahay kahit pa sabihin na sandali lang tayo mawawala. Maari kasi itong pumutok at maging sanhi ng sunog. Partikular ang  cellphone at electricfan. Siguraduhin na naka unplug ang mga ito sa mga oras na full charge na o hindi na ginagamit. Dapat din na bantayan ang mga bata dahil baka mapaglaruan ang posporo na pwede ring maging sanhi ng sunog. Isa pa sa pinagmumulan ng paggapang ng apoy ay ang kandila na ginagamit natin tuwing brown out kaya dapat na maging maingat din sa paggamit nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here