SUN NUMBER: ANG SUSI SA PAGTUKLAS NG IYONG PAGKATAO

0
1214

Isa ang Numerology sa kaparaang ginagamit ng mga astrologer upang mataya ang kapalaran at karakter ng isang tao.

Ang pagtaya ng iyong Sun Number ay susi upang malaman ang karakter ng isang tao sa paghawak o pagharap sa isang bagay o suliranin, at iba pang aspeto ng kaniyang pagkatao.

Upang malaman ang iyong personalized sun number, i-add lang ang buwan at petsa ng iyong kapanganakan.

Kung ikaw ay ipinanganak sa ika-31 ng Marso, i-add lamang ang mga numero: 3 + 1 + 3. Ang sagot ay 7.

Tatandaan na i-reduce ang sum o total sa single digit. Kung double digit ang lumabas ng i-add mo ang iyong birthday, i-add mo lamang ulit ito.

Narito ang katumbas ng bawat Number Sign.

Number 1: Isa kang highly motivated person. Pinagtatrabahuhan mo ng mabuti ang lahat ng bagay na iatang sa iyo.

Number 2: Lagi mong pinakikinggan ang iyong kutob. Kapag ikaw ay nakapagdesisyon na, wala nang sinuman ang makakabali nito. Alam mo kung ano ang iyong gusto.

Number 3: Isa kang inborn comedian. Madali para sa iyo na pagaain ang kalooban ng mga tao sa iyong paligid. Nagtataglay ka ng likas na karisma at kompiyansa sa sarili.

Number 4: May matatag kang diposisyon. Alam mo kung saan ka natayo at ito ay iyong ipaglalaban.

Number 5: Hindi ka sanay sa pagbabago. Takot kang lumabas sa iyong comfort zone.

Number 6: Masaya kang kasama. Mabilis kang makapalagayan ng loob. Ikaw ang kadalasang hinihingahan ng sama ng loob ng iyong mga kaibigan.

Number 7: Likas kang mapagkalinga. Pinahahalagahan mo ang mga tao sa iyong paligid.

Number 8: Hindi ka sagot sumugal. Matibay ang iyong loob sa pagharap sa mga hamon ng buhay.

Number 9: Tipo mo ang maglagay ng boundary o wall sa mga tao sa iyong paligid. Mahirap kang intindihin. Tila inilalayo ang mga taong lumalapit sa iyo.

Ano ang iyong sun number? Tugma ba sa iyo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here