Sucking the Poison Out: 6 Paraan Para Mawala ang Selos

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Basahin ang article na ito para malaman ang mga paraan kung paano mawala ang pag-seselos.

1. Learn how to feel and listen to the more important things

Kailan kayo huling nag-usap ng asawa mo? Marami ka bang bagay na hindi nasasabi sa kanya? Puro nasa isip mo lang ba ang laman ng utak mo ngayon? Kung ganun, ibig sabihin ay hindi ka na marunong makinig sa partner mo dahil sarili mo lang ang naririnig mo. Simulan mo na ngayon. Huwag mo nang ipagpabukas. Makipag-usap ka sa asawa mo at pakinggan mo ang mga problema niya sa buhay. Alamin mo ang mga laman ng damdamin niya. Mag-date kayo kung kinakailangan.

2. Ipakita mo ang tunay na pagmamahal at pagmamalasakit

Ngayong alam mo na ang problema ng asawa mo, buhusan mo siya ng pagmamahal na hindi mo naipapakita sa nakaraang mga araw, linggo at buwan. Iparamdaman mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Paglutuan mo siya at pagsilbihan mo siya.

3. Alisin ang mga negatibong bagay sa utak at puso

Huwag mong hayaan na malason ang utak at puso mo sa mga bagay na hindi totoo. Bigyan mo ng peace ang sarili mo at ipagdasal mo ang nararamdaman mo. Hindi nakakabuti na magfocus sa mga negatibong dahil maaapektuhan din nito ang kalusugan mo.

4. Focus on the more important things

Ano ba ang goals mo? Ano ang goals ninyo mag-asawa? Sigurado akong hindi pagseselos ang isa dun, kaya i-rethink mo na ang mga bagay na plano mo noon. Baka sa sobrang negatibo ng utak mo ay nakakalimutan mo na ang mga plano mo sa buhay. Give yourself an opportunity to grow by not thinking of the negative things.

5. Make God the center of your love and life

Iba ang nagagawa nang buhay na naka-sentro ang Panginoon sa inyo. Ito ang priority ninyo dapat, dahil pag ginawa ninyo ito, mawawala lahat ng mga bagay na negatibo. Si God ang dapat magpatakbo ng buhay ninyo, at hindi kayo. Kung saan niya kayo dadalhin, magtiwala sa kanya. Don’t rely on your own strength.

6. Always pray

Lagi kayong magdasal, sa lahat ng gusto ninyong ipagpasalamat, at lahat ng takot ninyo sa buhay. Si God ang sagot sa problema mo, tandaan mo yan.

SHARE
Previous articlePamahiin; Mga Dapat Gawin Para Hindi Kapusin Ang Handa
Next articleBakit Minsan Ay Wala Tayong Panaginip?
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here