STUDY SHOWS: Ang Pag-iyak ay Nakakapayat

0
128

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Ang tanong nang nakakarami: Paano nga ba mag diet ng walang exercise??

Parang ang hirap nito isipin, ngunit may existing na paraan na maaring gawin para magpapayat na hindi kailangang pahirapan at pagurin ang iyong sarili sa pag-exercise. Handa ka na ba sa sagot? Iyon ay ang pag-iyak.

Paano nga ba makakapag-diet nang walang exercise?

Ang pag-iyak ay ang natural na response ng tao sa stress, kalungkutan, sakit at kasiyahan. Basta’t may overflowing emotions ka, posibleng maiyak ka.

Kahit daw madalas na ang pag-iyak ay dulot ng sakit o kalungkutan, may magandang benepisyo naman daw itong maibibigay sa katawan lalo na sa mga gusto nang pumayat.

Ayon sa isang pag-aaral, isa daw itong mabisang paraan ng pagbabawas ng timbang. Isa rin daw itong magandang alternatibo para sa mga tamad at ayaw mag-exercise na gustong pumayat.

The good effects of Emotional Crying

May tatlong uri daw ng luha na lumalabas sa katawan ng isang tao ayon kay Dr. Aaron Neufeld ng Los Altos Optometric Group. Ito ay ang psychic, reflect at basal tears.

Ang psychic tears ay ang luhang lumalabas sa ating mata na dulot ng emotional crying. Ito rin ay maaaring pag-iyak dahil sa sakit, sobrang kasiyahan o kalungkutan.

Ito din daw ang uri ng luha na kailangang mailabas ng isang tao para mabawasan ang kaniyang timbang o pumayat, ayon sa isang pag-aaral. Ito ay dahil ang emotional crying ay may kaugnayan sa mga hormones na nagpapataas ng cortisol level o adrenaline rush ng isang tao.

Ang reflex tears naman ay ang “irritation tears” na lumalabas sa tuwing nai-irritate ang ating mata ng mga environmental stressors gaya ng usok at alikabok.

At panghuli ay ang basal tears. Ito ay ang “basic functional tears” na lumalabas sa ating mata na naglilinis at nagsisilbing lubricant para manatili itong basa.

Ayon din sa isang biochemist na si William Frey, ang stress-induced tears ay nakakapagtanggal ng toxic substances sa katawan ng isang tao. Ito ay sa kadahilanan na ang pag-iyak ay isang excretory process na kung saan inilalabas nito ang toxic substances sa katawan gaya ng fats sa tuwing tayo ay umiiyak dahil sa emotional stress.

Dagdag din sa pag-aaral, ang pinakamagandang oras para umiyak gamit ang real emotions ay mula 7 to 10pm. Dahil ito ang the best time para umiyak habang nanonood ng sad movies o habang inaalala ang iyong broken relationship, ayon sa mga scientist.

Kaya naman masasabi ko na sa pag-iyak ay hindi lamang bigat ng iyong damdamin ang gagaan. Tandaan na gagaan at mababawasan narin ang bigat ng iyong timbang na minsan ay mahirap para sa atin na gawin.

Pero syempre, at the end of the day, mas maganda pa rin na maging payat tayo in the most healthy way. Mas advisable pa rin na pumayat dahil sa diet at importante pa rin na maging healthy instead of thin.

SHARE
Previous articleANG 5 MAHIHIWAGANG BUNDOK SA PILIPINAS
Next articleMga Remedyo sa Dysmenorrhea
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here