STRESS NA STRESS KA NA BA? SUBUKAN NG ANCIENT JAPANESE TECHNIQUE NA PANTANGGAL STRESS SA LOOB LAMANG NG 5 MINUTO!

0
328

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Imposible na hindi ka ma-stress sa panahon ngayon. Hindi ka pa nga nakakalabas ng bahay ay stress ka na.

         Dito masusubukan ang bisa at galing ng ancient Japanese technique na tinatawag na Shin Jyutsu. Isa itong simpleng acupressure na tutugon sa 26 points ng enerhiya sa ating katawan.

         Ang Shin Jyutsu ay muling ipinalaganap ng isang Japanese Healer na si Master Jiro Murai noong ika-20 siglo.

         Alinsunod  sa prinsipyo ng Shin Jyutsu, ang bawat daliri sa ating kamay ay nakaugay sa isang partikular na emosyon.

  1. Hinlalaki (thumb)—pag-aalala
  2. Hintuturo (index finger)—takot at pangamba
  3. Hinlalato (Middle finger)—galit
  4. Palasingsingan (Ring finger)—kalungkutan
  5. Hinliliit (little finger)—stress at anxiety

Sa Shin Jyutsu, ang wastong pagpindot o acupressure sa isang specific na daliri sa kamay ay magagawang ma-relieve ang emosyong dinaramdam.

Hawakan lamang darili at saka ito diinan ng matagal. Pinakamatagal na rito ang limang minuto. Halimbawa, kung ikaw ay stress, diinan lamang ang iyong hinliliit. Unti-unting mari-relax ang iyong mga muscle at matatanggal ang stress na dinaramdaman.

Subukan ang husay ng Shin Jyutsu.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here