Street Children June 28: Hindi lang nanghihingi, nagkakalkal pa sa basura

0
85

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Tunghayan ang artikulong Street Children June 28.

 Ang pangunahing dahilan kaya nagtatalik ang dalawang tao ay dahil sa nagmamahalan sila. Ngunit, sa panahon ngayon, hindi lahat ng nagtatalik ay tunay na nagmamahalan. Kadalasan kaya nagtatalik ang dalawang tao ay dahil sa gusto lang nila ang isa’t isa. Ibig nilang mairaos ang init na kanilang nararamdaman.

 Nakakalungkot isipin pero may mga babae na hindi na pinahahalagahan ang kanilang puri. Tuluyan ng naglaho si Maria Clara. Kaya ang resulta, ‘bata, bata, bata’.

 Okay lang naman sana na mag-anak nang mag-anak kung kaya, kaso, ni hindi nga kinakaya ng ibang mga magulang. Hindi nila nagagawang suportahan ang pangangailangan ng kanilang anak. Kaya nga, maraming bata ang naglipana sa kalsada.

 

Ang mga bata at teenager ay dapat na nasa eskuwelahan at nag-aral, kumakain ng masusustansiya kaya lang dahil hindi nagawang paghandaan ng mga magulang nila ang kanilang kinabukasan, laman na lamang sila ng kalsada at sobrang sakit iyon sa kalooban ng mga taong may mabubuting puso.

 Isa ka ba sa taong may mabubuting puso?

 Kung ‘oo’ ang sasabihin mo, dapat lang siguro na maging concern ka rin sa mga batang naglilipana. Hindi mo man sila kaanu-ano, mas maigi pa rin kung nagagawa mong gamitin ang iyong puso para makatulong sa ibang tao.

 Sabi nga, mas maigi na iyong ikaw ang nagbibigay kaysa naman ikaw ang binibigyan. Hindi mo naman siyempre kailangan iyong magiging galante ka sa pagbibigay mo, kahit naman sandwich o isang meal lang ang ibibigay mo sa mga batang kalye ay sapat na ‘yan para makatulong. Iyon nga lang, hindi sapat ang minsan para maibsan ang kalam ng kanilang sikmura.

 Kapag kasi nagutom sila ay siguradong magkakalkal na sila ng basura para lang may makain sila. At nang makakita ako ng ganoong bata, parang dinurog ang puso ko. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung bakit nga ba may mga batang nagagawang magnakaw. Kailangan kasing mayroon silang makain dahil parang hindi na sila iniintindi ng kanilang mga magulang.

 Masakit mang tanggapin pero hindi naman lahat ng mga batang kalye, mayroon pang mga magulang. Karamihan sa kanila ay wala na talaga kaya kinakailangan nilang kumayod ng husto sa mura nilang gulang para lamang magkalaman ang kanilang sikmura. Kaya, sana ay huwag nating hayan na maligaw sila ng landas. Kung wala ng pakialam sa kanila ang mga magulang nila, bilang tao ay kaawaan naman natin sila.

 Sana ay abutan natin sila ng tulong.

More Street Children

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here