Street Children June 20: Sila ang mga kawawang teenager

0
70

Maria Angela Gonzales

PhilippineOne Editor in Chief:Ako si Maria Angela Gonzales, isang manunulat,nagtapos ng AB Masscommunication sa Far Eastern University. Nangangarap na maging kasing tanyag ni JK Rowling pagdating ng araw.

Latest posts by Maria Angela Gonzales (see all)

Ang pagiging teenager ang pinakamasarap na parte ng buhay dahil nandito ang maraming first time sa ating buhay tungo sa ating pagtanda. Kabilang na rito ang first crush, first love at first kiss. Kaya, dapat lang na namnamin natin ang bawat sandaling iyon. Ngunit lahat ba tayo ay pare-pareho ng buhay.

Hindi!

Sa ayaw man natin o sa gusto, mayroong isinilang na may magandang buhay at may ilan naman na kabilang sa pamilyang walang-wala tulad ng mga teenager na nasa larawang ito.

Sa isang Lungsod ay makikita ang mga batang ito na parang walang pakialam sa kanilang buhay. Tila hindi iniintindi ang kanilang kinabukasan kaya sila ay pagala-gala lamang sa daan. Kung minsan pa ay nasa gitna sila ng daan na nakatambay. Parang hindi inaalintana ang kanilang magiging kaligtasan. Hindi man natin tanungin ang kanilang edad ay makikita na natin na puro sila mga teenager.

Oo nga sinasabing habang bata tayo ay dapat na nating i-enjoy ang ating kinabukasan ngunit, makikita naman natin na hindi pag-e-enjoy lang ang kanilang ginagawa. Kung hindi nga ako nagkakamali ng tingin ay parang sila ang teenager na sawa na sa buhay at parang hinihintay na lamang ang kanilang kamatayan kaya hindi nangangamba kung sila ay maaksidente.

Kung mahirap kasi ang buhay, talagang mahirap mabuhay. Para ngang hindi kanakakaaninag ng pag-asa kapag dumating na ang pagkakataon na wala kang perang madukot. Para tuloy gusto mo na lamang hintayin ang kamatayan mo.

Kung bakit ba naman kasi may mga magulang na mahilig lamang gumawa ng bata pero hindi naman ginagampanan ang papel nila bilang mga magulang.  Ni hindi nga nagagawang pakainin ng wasto, alagaan at pag-aralin. Kaya tuloy, pagala-gala na lamang sila at naghahanap ng atensyon.

Sa halip na ang mga kabataang ito ay magkaroon ng magandang buhay, hindi ganoon ang nangyayari. Mas nagiging miserable pa nga sila at tuluyang nasisira ang buhay nila kapag napasama sila sa masasamang barkada. Maaari silang magbisyo.

Ang masasamang bisyo ay walang mabuting nagagawa sa ating buhay. Kung ang mga kabataang ‘yan ay pipilin na gumamit ng bawal na gamot, masasayang lamang ang buhay nila. Kapag naubusan kasi sila ng pambili ng bisyo nila, tiyak na gagawa sila ng masama tulad ng pagnanakaw.

Sana naman ay huwag natin hayan na dumami pa ang mga tenagers na naliligaw ng landas. Kaysa hayaan na lang natin silang magpagala-gala, mas maiging tulungan natin sila na magkaroon ng bagong

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here