Street Children July 3: Mga batang itinutulog na lang

0
174

Tunghayan ang kaawa-awang kalagayan ng mga batang kalye sa Street Children July 3.  

Sandamakmak ang tao sa Divisoria. Marami ang nagtitinda at namimili kaya lagi na ay siksikan doon. Para ngang mahihirapan ka na gumalaw kapag nalalapit na ang Pasko at Pasukan. Tiyak kasing dadagsain ang lugar na iyon. Paano ba naman, maraming mura ang mabibili roon. Kung minsan nga kahit walang okasyon ay marami pa ring tao. Dahil dito sa Pilipinas, marami na ang nagnenegosyo.  

Namulat na kasi tayong mga Pinoy na hindi ka talaga asenso sa pag-empleyado. Pasensiya na sa mga namamasukan diyan pero totoo naman kasing ang sinasabi ko, hindi ba? Napakaliit lamang ng sahod ng namamasukan, naka-fixed na. Samantalang kung pagnenegosyo ang asikasuhin mo, maaari kang kumita ng malaki. Basta may puhunan ka lang.  

Gayunpaman, hindi lamang ang mga ito ang makikita sa Divisoria, mayroon ding mga kaawa-awang bata na dinadaan-daanan na lang. Wari’y sa mata ng marami, sila ay nagiging imbisibol habang ang mga street children ay minamabuti na lamang na matulog dahil ibig nilang kalimutan ang gutom na kanilang nararamdaman.  

Talaga nga bang wala ng pag-asa? 

Napakahirap magkaroon ng pag-asa kung wala namang tao na nag-aalala sa’yo. Sa palagay ko, karamihan naman sa mga street children na ‘yan ay mayroon pang mga magulang. Gayunpaman, hindi dahilan iyon maging okay ang kanilang buhay. Walang-wala rin naman kasi ang mga ito tapos karamihan pa sa kanila ay laging inaatake ng katamaran.  

Nakakalungkot isipin na may mga magulang na wala namang pakialam sa kanilang anak. Mayroon pa ngang iba riyan na ginagamit ang kanilang anak para sila ay magkapera. Pupuwede nilang gamitin sa pamamalimos ang kanilang anak o kaya naman ay ibenta sa kung sino. Ewan ko nga lang kung matatawag din bang mabuti iyong mga magulang na inutusan na lamang mamalimos ang kanilang anak.  

Kung hindi sila makuhang mahalin ng kanilang mga magulang, sana naman ay mayroon namang nilalang diyan na may ginuntuang puso na tutulong sa mga batang kalye. Sana naman ay mabigyan din sila ng pag-asa na mari rin namang mabago ang kanilang buhay.  

Ikaw, anong pagtulong ba ang kaya mong gawin sa kanila?  

Hindi ko rin alam ang sagot pero tiyak ko na maraming batang kalye ang lubos na masisiyahan kung mararamdaman nila na mayroong nagmamahal sa kanila. Kaya’t sana ay huwag natin silang balewalain. Kung maari nga ay tulungan natin sila ng magkaroon naman sila ng pag-asa. Sa mundong ito ay mahirap mabuhay pero magiging madali kung may kamay na mag-aabot ng tulong.

More Street Children

Outreach

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here