Sophia Senoron, Maipagmamalaking Ganda Ng Pilipina

0
487

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Isa na namang gandang Pilipina ang nagbigay karangalan sa bansa. Siya ay si Binibining Sophia Senoron. Siya ang kauna-unahang Pinay Beauty Queen na nakoronahan bilang Miss Multinational sa pageant na ginanap sa India noong February 26, 2018. Bukod dito ay naiuwi niya rin ang dalawang titulo na Miss Environment at Miss Speech. Kaya naman maipagmamalaki ng Pilipinas na tayo ang nakapag-uwi ng kauna-unahang korona sa unang edisyon ng pageant na ito.

Sa kanyang twitter post, ipinaabot ni Teresita “Winwyn” Marquez ( The country’s first Reina Hispanoamericana ) ang pagbati sa kanyang batchmate sa Miss World Philippines 2017 na si Sophia. Masaya siya para rito. Mula sa kanyang twitter post; @wynmarquez “buti na lang may goodnews! Congrats my baby girl Sophia!Our first Multinational.” Bukod kay Winwyn ay marami pa sa ating mga beauty queens ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa kanya.

Tulad ng pangkaraniwang binibini, si Sophia ay may mga kinahihiligan din na gaya sa iba tulad ng aso, burgers, beach, may kaalaman din siya sa Katniss at higit sa lahat ay may mataas siyang pagkilala sa mga kababaihan tulad ng kanyang ina at lola.

Matapos ang kanyang pagkapanalo, excited na na-post si Sophia sa kanyang Instagram. Ayon sa dalaga, excited siyang irepresenta ang Pilipinas , ito na raw ang panahon para ipakita sa buong mundo na hindi lamang tayo isang bansa ng naggagandahang kababaihan kundi tayo rin ay may angking talino. Para sa bayan. Dugtong pa niya. Bago pa ang pagkapanalo niya bilang Multinational Queen, ay naging suki na rin siya ng mga pageant. Kabilang sa mga nasungkit na niyang korona ay ang Miss San Beda 2016 at ang korona ng Generation East 2017. Sadyang pinangarap niya ang maging Beauty Queen kaya hindi na nakakapagtaka kung nakamit rin niya maging ang korona ng Miss World Philippines kung saan siya ang pinakabatang wagi sa titulong ito. Sa kabila ng murang edad ay pinatunayan ni Sophia na siya ay mature na at responsable. Hindi rin nakakapagtaka kung magaling sumagot sa mga tanong si Sophia Seneron dahil magaling din siyang makipagdebate. Ito ang isa sa mga linya niya.

Tunay ngang hindi matatawaran ang angking kagandahan at katalinuhan ng mga Pilipina. Saang panig ng mundo mo man dalhin ay lulutang at lulutang pa rin ang ating kakayahan. Kaya naman sama-sama nating ibandera sa lahat ang katangiang ipinagkaloob sa atin ng Poong Maykapal. Ipagpatuloy natin ang pagsuporta sa ating kapwa Pilipina na hindi lamang tinutupad ang kanilang mga pangarap kundi binibigyan din ng karangalan ang ating bansa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here