Solo concert ni Moira masyado nga bang mahal?

0
147

Magkakaroon ng first solo concert ang sumisikat na female singer na si Moira dela Torre. Sa susunod na buwan na ang kanyang concert sa Kia Theater.

Sa February 17 ang concert ni Moira at super excited na raw siya. Siyempre, excited na rin ang kanyang fans at supporters na mapakinggang kumanta ng live ng halos dalawang oras ng walang kahati.

Pero, as always, may mga taong nagrereklamo. Marami talagang reklamador sa mundong ito at ang mga Pilipino ay hindi magpapatalo sa ibang lahi.

Almost P4,000 ang VIP na ticket ni Moira. P2,650 at P2,120 naman ang orchestra at lodge samantalang ang balcony ay P848 lamang.

Kung tutuusin ay mura na nito kapag ikukumpara sa ibang mga artists. Mapa-International o Local ay sapat lamang ang presyo ng concert tickets ni Moira. Siyempre mahal talaga ang VIP dahil nasa harap ka at malapit kay Moira. Kung kaya mo ng mahal, mag-VIP ka. Kung gusto mo lang mapanood at mapakinggan ng live si Moira pero limited lang ang budget mo, mag-balcony ka na lang.

Saka, para naman talaga ito sa mga kanyang tagahanga na willing gumastos ng ganoong kalaking pera para napanood at mapakinggan ang kanilang iniidolo. Sa katunayan nga, mas mahal pa ang ticket ng iba pang mga local artists dito sa Pinas.

Kung gusto mo siya… go. If ‘di mo siya masyado bet, huwag kang manood. Hindi ka naman pinipilit ni Moira.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here