Solar eclipse sa panaginip

Bihira lang nangyayari ang solar eclipse. Kaya ito ay inaabangan talaga ng lahat. Kung kailan ang liwanag ng araw ay pansamantalang tinatakpan ng buwan. Tunay na nakakamangha ang tanawing ito kapag iyong nasaksihan. Bukod sa mga pamahiing pinaniniwalaan tungkol dito ay may positibo at negatibo rin itong kahulugan kapag naman ito ay sa panaginip mo nasaksihan.

Positibong kahulugan

Kapag napanaginipan mo ang solar eclipse na ikaw ay masayang masaya at manghang mangha sa iyong nakita, ito ay positibong panaginip. Nangangahulugan na panahon na para makita mo ang halaga mo sa mundo. Panahon na para iwan ang mga drama sa iyong buhay at simulan ang mga makabuluhang bagay na hindi lang ikaw ang magbebenepisyo kundi ang maraming tao sa iyong paligid lalo na ang mga mahal mo sa buhay. Yung tipong ang pokus mo ay nasa mas importante at wala ng puwang ang pagiging selfish at immature. Darating ka na sa point ng iyong buhay na mas pipiliin mo na ang needs kaysa wants. Yung ang concern mo na lang ay mabuhay ka ng payapa sa paraang gusto mo at ayaw mo nang makisalamuha sa mga negatibong tao.

Negatibong kahulugan

Kapag naman ikaw ay nasa gitna ng kalungkutan at nakita mo ang solar eclipse, hindi maganda ang ipinapahiwatig nito sa’yo. Na ikaw ay maraming bagaheng bitbit sa iyong dibdib. Nasa sitwasyon ka na marami kang hindi naiintindihan. Yung tipong ang pakiramdam mo ay walang nag-aalala at nagmamahal sa’yo. Marami kang takot na ikinukubli sa likod ng iyong mga ngiti. Meron kang gustong gawin pero hindi mo magawa dahil may pag-aalala ka na baka ikaw ay pumalpak o hindi mangyari ang inaasahan mong magiging resulta nito. Puno ka ng pangamba sa kasalukuyan mong sitwasyon na hindi dapat. Kaya kapag ganito ang panaginip mo ay dapat mong maintindihan na meron kang dapat baguhin at unang-una mo ng gagawin ay harapin ang iyong takot. Kapag nagawa mo ito ay magiging madali na ang mga susunod na hakbang.

SHARE
Previous articleITABOY ANG MGA KAMALASAN SA BAGONG TAON SA TULONG NITO
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 28, 2019

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here