Sobreng Walang Laman sa Panaginip

Sobre. Isang simpleng papel na matapos gamitin kung minsan ay pakalat kalat na lang kung saan saang sulok ng bahay. O kaya ay itatabi sa cabinet ng masisinop. Pwede rin namang matapos kuhanin ang laman ay itatapon na lang. isang kapirasong papel na hindi naman natin gaanong pinapahalagahan. Pero sa oras na ito ay pumasok sa panaginip, hindi na lang ito basta ordinaryong sobre lalo na kung mapanaginipan mo ito na walang laman.

Kung ang sobreng ito ay iniabot sa’yo ng isang postman at pagbukas mo ay walang laman, ito ay nangangahulugan na ikaw ay makakatanggap ng hindi magandang balita. Isang babala na may taong kakilala mo ang sumisira sa iyong pangalan at reputasyon. Kaya dapat kang mag-ingat sa iyong mga nakakasalamuha at pinagkakatiwalaang tao. Dapat ka ring mag-ingat sa pinagsasabihan ng mga sikreto dahil maaari kang mabaligtad.

Kung ang sobreng walang laman ay binuksan ng isang tao para sa’yo, ito ay nangangahulugan na may imbitasyon kang matatanggap na hindi mo matatanggihan. Ang imbitasyon ay manggagaling sa malayo.Kung ang sobreng walang laman ay nakita mo namang inaanod ng tubig palayo sa’yo, ibig sabihin ang iyong kakapusan ay magwawakas na. Darating na ang biyaya na magpapabago ng iyong sitwasyon sa buhay. Maaaring ito ay pansamantala lang at pwede rin namang pangmatagalan na.

Kapag naman napanaginipan mo na excited mong tinanggap ang sobre at umaasa kang ito ay may laman pero wala pala, ang disappointment na mararamdaman mo sa iyong panaginip ay kabaligtaran ng magiging damdamin mo sa totoong buhay. Sa halip ito ay indikasyon na makakaranas ka ng isang kasiyahan na hindi mo matiyak ang pinanggagalingan. Basta happy and contented ka lang kahit hindi pa natutupad ang kahilingan mo. Nangyayari ‘yon na kung minsan ay parang positibo lang ang tingin natin sa lahat ng bagay kahit wala namang nababago sa ating sistema. Yung para bang wala kang dinadala o kinakaharap na problema. Pwedeng maging dahilan din nito ay ang kasiyahan mo para sa isang tao. Halimbawa ay para sa isang kaibigan na na-promote o isang kapamilya na nagwagi sa isang contest.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here