Siya si Cinderella at hinalikan ng prinsepe

1
44
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Dream Interpretation Isyu # 124

Tunghayan naman natin ngayon ang panaginip ni Erry Jam. Siya raw si Cinderella at pagkatapos ay hinalikan siya ng prinsepe. 

 

Dear Maestro,

Ano po ang kahulugan ng dream ko? Nakita ko raw ang sarili ko bilang si Cinderella at nakatayo ako sa dulo ng hagdan. Samantala nakita ko si Prinsipe Lenard sa taas ng hagdan. Pababa po siya ng hagdanan. Pagdating sa kalagitnaan ay sumayaw siya ng bahagya. Natawa ako at sabi ko sa sarili ko, “sumayaw ka pa, ha?” Napagtuloy siya sa pagbaba hanggang sa magkadaupang palad kami. And he kissed me passionately.

 

KASAGUTAN:

May boyfriend ka na ba Erry Jam o may asawa ka na ba? Kung wala pa, sadyang napakaganda ng kahulugan ng iyong panaginip. Dahil unang-una na, bihirang bumababa ang isang “prinsipe sa pedestal ng kanyang karangalan” alang-alang sa isang “mas mababang uri ng nilalang  na tulad ni Cinderella.”

Pero sa iyong panaginip, hamakin mo, bumaba siya sa hagdanan, at sinayawan ka pa, at pagkatapos ay hinalikan ka ng passionately at malamang na very sensual din.

Sa biglaang interpretasyon ang iyong panaginip ay nagsasabing “ang langit mismo ang bababa sa susunod na mga araw sa iyong harapan upang bigyan ka ng napakaraming suwerte at magagandang kapalaran.”

Pero wait lang! Samantala, kung mahilig kang manood ng Cinderella o sabihin na nating kapapanood mo lamang nito mga ilang araw o ilang gabi at pagkatapos ay napanaginipan mo ang nasabing tagpo “na nilapitan si Cinderella ng prinsipe at hinalikan siya”, ito ay tatawagin nating panaginip na “walang kabuluhan”.  

Bagkus ang mga ganoong uri ng  panaginip ay halumigmig lang o mga latak ng mga lumipas na nagdaang mga ginawa mo nitong mga huling araw o huling oras.

Halimbawa, mahilig akong manood ng World War 2 movies. Kaya naman minsan matapos kong manood ng nasabing mga palabas, napapanaginipan ko ito.  Minsan naman may nag-aaway sa kalsada, lumabas ka at napanood mo ang nag-aaway. Mapapanaginipan mo ang tagpo ng pag-aaway, dahil kailan lang ito nangyari sa aktuwal o totoong buhay.

Ang ganitong uri ng mga panaginip ay “halumigmig o hamog lamang ng nagdaang oras o araw na hindi pa nawawala sa ating memorya” kaya kapag natulog ang isang tao, “halos ‘yon mismo ang napapanaginipan niya.”

Ang ganito klaseng ng mga panaginip “halumigmig o mga hamog ng nagdaang karanasan lumipas kamakailan lamang” ay hindi masasabing nanggaling kay “unconscious self” o sa iyong inner personality, kaya tulad ng nasabi na sa itaas, “ito ay halos wala namang malalim na kahulugan”.

Subalit kung “from out of nowhere” ‘Yun bang walang kaabog-abog sa isipan mo at hindi naman talaga nangyari sa ‘yo ang ganon, o wala ka namang napanood ng sine o palabas na may kaugnayan kay Cinderella at bigla mo siyang napanaginipan at ang panaginip mo ay ikaw mismo si Cinderella, tulad ng nasabi na, “kung ikaw ay isang dalaga pa sa ngayon at walang boyfriend” sobrang ganda ng pinapahiwatig ng iyong panaginip. At kahit na may boyfriend ka pa o may asawa ka na, sobrang ganda pa rin ng pinapahiwatig ng iyong panaginip na nasabi na sa itaas ay muli ko lang na uulitin: “ang langit mismo ang bababa sa susunod na mga araw sa iyong harapan upang bigyan ka ng napakaraming suwerte at magagandang kapalaran.”

Sa makaluma o pang-tradisyunal na interpretasyon  kung kayong mag-asawa ang naghahalikan o kayo ng boyfriend mo  at sarap na sarap kayo, habang naghahalikan, ito ay tanda ng katapatan sa isa’t-isa, kung saan, ito ay tanda rin na mahal na mahal ninyo ang bawat isa kaya sa susunod na mga araw, lalo pang mag-iinit, liligaya at sasarap ng todo  ang inyong pagmamahalan.

Ngayon kung lalagay muna tayo sa tagpo o sa sitwasyong wala ka pang asawa o wala ka pang boyfriend, sinasabing kakaiba sa panaginip mo Erry Jam, ang prinsipe sa fairy tale na Cinderella ang mismong humalik sa iyo.  

Ito ay tanda na kung anuman ang kalagayan mo sa buhay sa ngayon, halimbawa ay mahirap ka lang o pangkaraniwan lamang ang buhay ninyo, tiyak na ikaw ay makapag-aasawa ng isang lalaking maykaya sa buhay. At hindi lang maykaya sa buhay ang lalaking mapapangasawa mo bagkus siya rin ay sobrang magiging tapat sa’yo at  mamahalin ka ng labis-labis at todong-todo.   

Samantala ang senaryong “sinayawan ka pa niya” at siya pa mismo “ang bumaba sa hagdanan upang lapitan ka” ay nagpapahiwatig na “sobrang mahal ka ng lalaking ito, at matapos na maging kayo, halimbawa ay naging boyfriend mo siya at tuluyang napangasawa” maraming mga biyaya, iba’t-ibang uri ng suwerte at magagandang kapalaran ang bubuhos sa inyong pamilya.

At tulad ng madalas maging ending ng mga fairy tales story na palagi nating napapanood ang iyong pagmamahalan ay hahantong sa tinatawag na, “and then the beautiful princess and the handsome prince lived happily ever after.”

Pero kung ang psychologist na si Sigmund Freud ang tatanungin, ganito ang interpretasyon ng iyong panaginip:

Una, saan ka ba hinalikan ng prinsipe? Kung sa lips o sa labi, at nag-lips to lips kayo, ito ay tanda ng bukod sa passionate kissing ito ay masasabi ring “sensual kissing” na ibig sabihin ay puno ng init at pagkasabik, kaba at silakbo ng damdamin.

Para kay Sigmund Freud ang “lips ay siya ring vagina”, kaya nga ang halikan ninyong dalawa ng prinsipe ay isa ring uri ng indirect expression ni unconscious self sa isang  masarap na pagtatalik.  Na ibig sabihin ang iyong panaginip na kahalikan mo ang isang prinsipe at ikaw si Cinderella ay tunay ngang hulagpos ng iyong  unconscious self sa aktuwal na sexual intercourse na maaaring maganap sa iyo sa susunod na mga araw. At hindi lang basta-basta sexual intercourse ang mararanasan mo, bagkus lalabasan ka at sa sandaling makaraos ka sobrang sarap at sobrang ligaya talaga ang iyong madarama.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here