SINO NGA BA ANG IYONG TUNAY NA LIFE PARTNER?

0
401

Sino nga ba ang tunay mong kasama sa buhay? Mga magulang mo ba? Kapatid? Kasintahan? Asawa? Kaibigan?

Wala isa man sa kanila! Sapagkat ang tunay mong life partner sa mundong ito ay walang iba kundi ang iyong SARILI—ang iyong katawang-lupa.

Sa sandaling huminto ang lahat ng body system sa iyong katawan, ito na ang iyong katapusan. Wala nang maiiwan sa iyo sapagkat pati ang pag-iral mo ay magwawakas na.

Wala tayong ibang kasama sa buhay natin—mula pagsilang hanggang sa huling hininga natin—kundi ang ating katawang lupa.

Samakatuwid, responsibilidad mong alagaan ang iyong life partner.

Sapagkat habang minamahal mo ang iyong sarili, higit kang magiging masaya.

Kumain ka ng wasto, at ikaw ay lulusog. I-prioritize mong palakasin ang iyong mga kakayahan, at ikaw ay aangat sa buhay.

Walang ibang tutulong sa atin, kundi ang mismong sarili. Oo, may mga taong makapagbibigay sa atin ng lakas at inspirasyon. Ngunit, ang tulong nila ay limitado lamang doon. Ikaw pa rin ang magpapasya ng sarili mong buhay.

Kaya napakahalagang ingatan, alagaan at mahalin ang iyong nag-iisang life partner sa mundong ito.

         Tips:  Narito ang ilan sa mga bagay na magagawa mo upang ingatan at alagaan ang iyong life partner at magiging resulta nito.

  1. Mabuting kaisipan—positibong pananaw sa buhay.
  2. Magagandang gawain—magandang karma.
  3. Wastong pagkain—malusog na intestine.
  4. Paglalakad—malusog na puso.
  5. Meditation—malusog na kaisipan.
  6. Yoga—malusog na pangangatawan.

Umpisahan mo nang mahalin ang iyong life partner. Walang ibang magmamahal diyan kundi ikaw lamang!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here