Sino Ang K-Pop Group na pwedeng sumunod sa yapak ng BTS?

0
516

Bilang isang K-Pop fan, natutuwa ako na narecognize ang BTS sa America. Naiisip ko tuloy na malaki talaga ang posibilidad na may sumunod pa sa kanila.

Sa aking opinyon, malaki ang pag-asa ng Blackpink kung bibigyan sila ng YG Entertainment ng tamang kanta at nang magandang album (na hindi naman posible dahil wala pa silang pangit na kanta).

Lilima pa lang ang kanta ng Blackpink at wala pa talaga silang album kahit na noong 2016 pa sila nag debut. Pero, kahit ganoon ay napakarami na nilang fans lalo na Internationally.

Isa na sa siguro sa dahilan noon ay 3 sa 4 na members ay marunong magsalita ng English at ang isa ay nakakaintindi naman ng English. Isa rin ito sa factor na nakikita ko kung bakit sila puwede mapansin sa America.

Isa pa ay may Thai member sila na si Lisa. Kilala ang Thailand fans na mga loyal at grabe sumuporta sa kanilang mga idols. 

Hindi lang ang pag-i-english nina Rose, Jennie at Lisa ang dahilan kung bakit may potensyal sila, girl crush na may pagkahip hop ang concept ng Blackpink, maraming western fans ang gusto ang ganitong concept at tunog pagdating sa K-Pop.

Hindi na siguro nakakagulat na mga YG artists ang mas sikat sa western side ng mundo dahil mas patok sa mga tao ang style nila. Big Bang at 2NE1 ay malaki rin ang potensyal pero hindi sila pinush ni YG. Si CL naman na dating miyembro ng 2NE1 ay nagrelease ng English na kanta sa America kaya hindi bumenta. Mali ang strategy ni YG doon.

Sa tingin ko, kung gusto ni YG na mapasok talaga ang Western market ay kuhain niya muna ang loob ng mga K-Pop fans doon at ang mga fans ang tutulong sa kanila na mapansin ng media.

Pero, bago ang lahat ng ito, kailangan muna ni YG na pakawalan ang Blackpink sa dungeon at bigyan ng comeback.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here