SINING ng PAKIKIPAGTALIK

0
131

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa isang relasyon, gaano nga ba kahalaga ang sex? Sa mga taong hindi bukas ang pananaw tungkol dito, maaaring ikahiya nilang banggitin ang bagay na ito. Maaaring hindi sila maging komportable na pag-usapan ito. May mga tao na sadyang walang interes na talakayin ito at alamin ang maraming bagay tungko dito pero ginagawa nila. Kung ganito ang inyong sitwasyon bilang mag-asawa o kahit hindi pa kayo mag-asawa,hindi nyo makikita at mararamdaman ang tunay na sining ng pakikipagtalik. Kung gagawin nyo lang ito basta-basta dahil sa tawag ng laman, makakaraos kayo ng ganun ganun din lang.

May mga dahilan naman ang iba kung bakit nahihiya silang pag-usapan ito. Maaaring wala silang sapat na kaalaman o hindi sila magaling dito. Pwede rin naman na hindi maganda ang hubog ng kanilang katawan kaya nahihiya silang pag-usapan ito. Subalit anuman ang kanilang maging dahilan, sa isang pagsasama ito ay may halaga. Kung nais mong malaman ang sining nito ay umpisahan mo sa pagtuklas. Unang-una na dapat mong tuklasin ay kung ano ang pangangailangan ng iyong kapareha pagdating sa sex. Saan ba siya nag-eenjoy na gawin ito? Sa kuwarto, sa salas, sa banyo o baka naman sa garahe? Pangalawang tanong. Paano niya ba ito maeenjoy? Mabilisan, dahan-dahan, o gusto ba niya na nilalaro muna ito gaya kunwari na siya ay nagsasayaw sa isang bar at ikaw ang kanyang nag-iisang customer, o di kaya naman ay ini-imagine niya lagi na ito ang first time ninyong pagtatalik tulad nung ma-virgin mo siya, o baka gusto niyang magfantasize na nagsesex kayo sa ibang planeta, sa isang hardin, sa buhanginan, sa bangka o saan mang lugar na maglaro sa isip niya. Gusto ba niya ng naked o may natitira pang damit? Gusto ba niya ng madilim o maliwanag? Gusto ba niya ng maingay o tahimik? Let it be. Hayaan mo na maging imaginative siya sa inyong pagsesex at ganoon ka din. Bigyan nyo ng thrill ang inyong pagniniig.

Sa sining ng pakikipagtalik, kailangan niyang maramdaman ang kuryenteng hatid sa bawat pagdampi ng mga daliri mo sa kanyang balat. Bawat paghaplos ng kamay mo sa kanyang likuran, buhok at dibdib ay hindi dapat mawala ang kakaibang pintig na magmumula sa kanyang puso. Kailangan ang bawat detalye ng inyong pagtatalik ay maramdaman ninyong pareho.Mula sa paglalapat ng inyong mga labi hanggang sa pagsasanib pwersa ng inyong mga katawan.

Kung sa tingin nyo ay hindi equal ang enjoyment na nararamdaman nyo,dapat kayong maging open sa isa’t-isa na pag-usapan kung ano ang kulang. Ang solusyon ay kailangan nyo ring matagpuan sa isa’t-isa at hindi sa iba. It can make or break your relationship kaya hindi nyo ito dapat balewalain. Hindi man nasusukat ang pagmamahal ng isang tao sa pamamagitan lang ng sex, no one can deny na may malaki itong parte sa inyong pagsasama na maaaring magbunga ng isang buhay. f

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here