SINAKTAN NI MISTER NA PINAGHIHINALAANG ADIK

755
Dear Maria: Advice column on PhilippineOne

Dear Maria,

Mabait naman ang mister ko, sweet nga siya at mahal na mahal ako kaya lang nang magkaroon kami ng pagtatalo, nagawa niya akong saktan. Sabi niya ay nabigla lang siya kaso natatakot na ako sa kanya. Para kasing gumagamit na siya ng ipinagbabawal na gamot. Ano ba ang gagawin ko? — Tina

 

Tina,

Kung sa palagay mo ay gumagamit na siya ng ipinagbabawal na gamot, kailangan mong mag-ingat dahil baka hindi lang pananakit ang magawa niya sa’yo. Siguro naman ay nanonood ka ng tv at alam mo ang nangyayari sa mga misis na may adik na mister. Kahit naman hindi pa sigurado kung gumagamit siya, kailangan ay maging alerto ka. Saka, madali namang malaman kung ang isang tao ay gumagamit.

Una, makikita mo ang pagbabago sa kanyang ugali. Pangalawa, namumula at nanlilisik ang mga mata. Pangatlo, kapag laging nauuhaw. Pang-apat, pirming natataranta lalo na kung may maririnig na wang-wang. Siyempre, sa panahon ngayon ay ikinukulong ang mga adik kaya malaki ang posibilidad na natatakot siya para sa kanyang kaligtasan.

Ngunit sa ngayon, kaligtasan mo ang dapat mong isipin. Saka, kahit hindi siya adik o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, wala siyang karapatan na saktan ka. Oo nga, asawa ka niya kaya lang dapat pinuprotektahan ka niyang mister mo. Sa ginawa niya, parang nanganganib ang buhay mo sa kanya. Kaya, ngayon pa lang ay mag-isip-isip ka na. Kung mahal mo siya, higit mong mahalin ang iyong sarili. Kung hindi mo gagawin ‘yan. Ikaw ang magiging gawawa. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon.

Kung mayroon kayong anak, siya dapat ang isipin mo. Kailangan mong mabuhay para sa kanya. Pasensiya ka na kung ngiging morbid ako. Na baka isang araw…well, kung naiisip ko ‘yan, dapat ay maisip mo rin ‘yan dahil hindi simple ang sitwasyon mo.

Kahit naman kasi gaano kabigat ang pagtatalo ninyong mag-asawa, kung nasa matino siyang kaisipan, hindi ka niya magagawang saktan. Maliban na lang siguro kung nagkaroon ng matinding dahilan para siya ay mapikon sa’yo. Halimbawa na lang, kung ininsulto mo siya o kaya ay pinagbintangan ng kung anu-ano.

Halimbawa na lang kung hindi pala totoo na isa siyang adik, pinagbibintangan mo lang. Ngunit, sa palagay ko naman ay napakaliit lang na tsansa ito. Siyempre, dahil ikaw ang nakakasama niya araw-araw ay alam mo kung  ano ang maaari niyang ginagawa.

Ohh…sa palagay ko, hindi lang pag-iingat ang kailangan mong gawin. Mas maigi kung magdedesisyon kang iwanan siya dahil ang buhay mo ay nanganganib na kung talaga nga bang adik siya.

P.S. : Huwag mo na alalahanin pa kung gaano ka niya kamahal NOON at pati rin ang sweetness niya ay huwag mo na alalahanin pa dahil baka hindi mo pa magawa ang dapat mong gawin. Ang intindihin mo ang iyong kaligtasan. Magagawa mo lang kasi ito kung iiwanan mo siya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here