SILING LABUYO (PART 2) – A POWERFUL HERB NA GINAGAMIT BILANG KOMERSIYAL AT NATURAL NA GAMOT

318

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Isa ang siling labuyo ay isa sa mga itinuturing ng kilalang natural healing doctor na si  Dra. Farrah Agustin-Bunch, bilang isa sa pinaka-powerful herb na meron tayo. Sa kanyang aklat na NATURAL HOME REMEDIES, ibinahagi niya ang ilang protocol gamit ang siling labuyo para sa natural healing ng ilang karamdaman. 

Isa pang doktor,  si Dr. Jaime Dy Liacco ang nakatuklas na kung paanong magbibigay ng agarang lunas sa biglang pagtaas ng blood sugar sa loob ng limang minuto lamang. Ang protocol ay ang pagbi-blender ng 12 butil ng siling labuyo (‘yung maliit at original na siling labuyo), dalawang sariwang itlog at kalahating kutsaritang asin at saka iinumin. Kasama sa protocol ang saging na saba na kakainin habang iniinom ang inihandang formula.  Kung isi-search ninyo sa You Tube at Google ay makakabasa at makakapanood kayo ng mga testimonya na nagpapatunay na ito ay epektibo.

Medicinal usage

Ang siling labuyo ay inilalahok rin sa  mga gamot dahil sa Capsaicin na napatunayan na napakaraming medical benefits. At magugulat kayo na napakarami na palang mga gamot ang ginagamitan nito bilang kapsula, tablet, tincture, topical cream, insect repellant, powder form food supplement at at mga plaster para sa back and lower back pain.

Sa napakaraming pag-aaral na isinagawa hinggil sa medicinal value ng Capsaicin, napatunayan na ito ay may anti-fungal, anti-microbactrial, anti-bacterial at anti-diabetes and cardioprotective properties at marami pang iba. 

Mahigit sa tatlong libong pag-aaral  na ang naisagawa para matuklasan pa ang napakaraming benepisyo nito at gaya nang nabanggit ko sa unang artikulo, kabilang  sa benepisyo nito ang pagsasaayos ng presyon at sirkulasyon ng dugo at puso, inaayos ang pulso, nakakagamot ng ulcer, nakakapagpadali ng paggaling ng mga sugat, nagpapahinto ng pagdurugo, inaayos ang mga nasirang tissue, nagpapaluwag ng paghinga, nag-sasaayos ng panunaw, nakakaginhawa sa arhrtitis at rehumatism, nakakapigil sa pagkalat ng impeksiyon at marami pang iba. 

Maganda rin ito pampababa ng cholesterol, ng mataas na trighlycerides at pwede ring makagamot sa varicose veins. 

Mga Gamit sa Pagkain

  • Palasak na condiment bilang sawsawan, bilang sauce, o pickled. Pwedeng kainin ng hilaw.
  • Ang dahon ay inilalahok sa may sabaw na pagkain na katulad ng tinola, misuwa, swam (tahong, tulya at iba pang seashell)

Natural Usage, Prevention, Maintenance and Healing Formula

  • Daily maintenance – tatlong kutsarita ng cayenne tincture (isang kutsarita tatlong beses maghapon) o pagkain ng hilaw na sili para magkaroon ng regular na mga benepisyo sa katawan.
  • Ugaliing ilagay sa pagkain na nangangailangan ng maanghang na lasa para pakinabangan ang mga benepisyo nito.
  • Morning Juice Drink  – Pagsama-samahin ang lemon, luya, pure cranberry or mango juice at tubig. Lagyan ng cayenne poweder o ilang butil ng sili bago inumin para sumigla ang katawan.

Pwede ring magpakulo ng isang tasang tubig at lagyan ng ginadgad na luya, bawang, katas ng lemon at siling labuyo at pakuluan ng tatlumpung segundo. May natural Vitamin C at tsaa ka na.

  • Topical Cayenne Cream – Paghaluhaluin ang apat na kutsarang giniling na sili, apat na kutsarang giniling na tumeric at apat na kutsarang giniling na luya. Ihalo sa tatlong tasang olive oil. Haluing mabuti bago lutuin sa mahinang apoy ng sampung minuto. Lagyan ng kalahating tasa ng coconut oil at patuloy na haluin hanggang matunaw.  Kapag halo nang mabuti ang mga ingredients, alisin sa apoy. Palamigitn sa refrigerator sa loob ng sampung minuto at muling haluin.  Pagkatapos ay palamigin uli ng dalawampung minuto at ilagay na sa isang babasaging lalagyan. Ang mixture na ito ay makakaginhawa sa pananakit ng katawan katulad ng rayuma, tenodinitis, back pain. Makakatulong rin para sa hairgrowth.
  • Cayenne Tincture – paghaluin ang isang parte ng cayenne at dalawang parte ng matapang na alcohol drink (Vodka o Everclear) sa isang boteng may takip at ilagay sa madilim na lugar. Alug-alugin tuwing ikalawang araw sa loob ng apat na linggo. Salain ng cheesecloth at ilagay sa madilim na lugar. Pwede na itong gamiting pangmasahe. Ang pormula na ito ay magaling na pain relief sa torn and sore muscles,  pulled ligaments at tendons, arthritis at  headache.

SHARE
Previous articleANG HIDDEN AGENDA NI MARLENE DIETRICH KAY HITLER
Next articleMga Pagkaing Pampahimbing ng Tulog
Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her first lab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here