Sikreto Ng Magaganda

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Kung isa kang babae na hindi kagandahan, siguradong mapapaisip ka kung bakit kaya may mga taong magaganda kahit yung iba e di naman nag-aayos. Ano kaya ang sikreto nila? Ang ibang babae kasi dinadaan sa make up at kung anu-ano pang kolerete kaya nagmumukha silang maganda sa paningin ng iba. Pero meron din namang babae na kahit walang make up ay maganda pa ring tingnan. Narito ang kanilang sikreto na kung tutuusin ay alam na nating lahat pero nagbubulag bulagan lang tayo o wala tayong time para pagtuunan ito ng pansin.

Una sa lahat ay kailangan ng tamang pagkain. Ang mga prutas at gulay ay may malaking kinalaman sa kagandahan. Gumaganda ang kanilang kutis maging ang kanilang buhok. Kapag ang babae ay may magandang kutis at magandang buhok ay malaki ang naidadagdag nito sa kanyang ganda. Kahit ang kanyang mukha ay hindi kasing ganda ng mukha ng iba, kung magiging malinis siya sa katawan ay tingining fresh na siya. Dapat na pinangangalagaan niya ang kanyang personal hygiene dahil isa ito sa makakadagdag sa kanyang ganda points.

Malaking tulong din ang pagkakaroon ng tamang oras sa pagtulog. Kapag kumpleto ang tulog ng isang babae ay umaaliwalas ang kanyang awra sa kanyang paggising. Pansin nyo naman siguro na ang babaeng mahilig magpuyat ay nagmumukhang zombie o kaya ay hindi fresh. Pero hindi naman natin masisisi ang iba kung hindi nila maiwasan ang pagpupuyat dahil sa oras ng kanilang trabaho.Hangga’t maaari nga lang dapat ay makonsumo ang sapat na oras ng tulog dahil isa ito sa mahalagang sikreto ng kagandahan ng isang babae.

Bagamat malaki ang naitutulong  ng make up, lipstick o surgery ay hindi rito nakasalalay ang ganda ng isang babae kundi sa kung paano niya pinangangalagaan ang kanyang sarili. Higit sa lahat, nagiging maganda ang isang babae sa paningin ng marami kung siya ay may mabuting kalooban. Kung maganda ka na at mabuti pa ang kalooban mo tiyak na sobrang ganda mo sa paningin ng lahat. Pero kung ikaw ay pangit, bawiin mo na lang sa tulog, pagkain, personal hygiene at ganda ng kalooban, siguradong hindi ka na mahuhuli niyan sa ganda ng iba.

SHARE
Previous articleANG 5 ZODIAC SIGN NA SUSUWERTIHIN NGAYONG DECEMBER 2019
Next articlePamahiin Biyernes A-trese: Puno nga ba ng Kamalasan?
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here