Sikreto: Ang Enerhiyang Chi

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang “chi”  na tinatawag ding universal breath, cosmic energy, cosmic force, life-enhancing energy, daloy ng buhay, hanging may dala ng mabuting kapalaran, at kung ano paman ang gusto mong itawag dito ito ay laganap.

Laganap at patuloy na naglalakbay kung saan-saang lugar sa ating paligid. Maging sa katawan ng tao, nananahan din ang enerhiyang “chi”.

Sa kanyang manepestasyon ang magkasugpong at balanseng daloy sa loob ng ating katawan ng enerhiyang yin at enerhiyang yang ay kusang lumilikha ng malakas na puwersang “chi”.

 Nagpapaikot-ikot ito na tila isang siklo o cycle ng hindi nauubos na lakas ng yin (negative energy) at lakas ng “yang (positive energy) na nasa loob ng ating katawan,

Sinasabing kapag hindi balanse ang puwersa ng “yin energy”  at “yang energy” sa loob ng katawan ng isang indibidual nadi-distorbo ang daloy ng “chi” kapag ganito ang nanyari, nagkakaroon ng karamdaman at sari-saring siliranin ang isang nilalang.

Samantala, kung napapanatili ang paging balanse ng enerhiyang yin at enerhiyang yang na dumadaloy sa ating katawan, dahil nasa harmony ang yin at yang, gumaganda ang daloy ng chi, isang malusog at maligayang indibidwal ang nagiging produkto o resulta nito.

Oo sa pagkakataong ito, hindi ang enerhiyang yin at yang ang tampok na pinag-aaralan natin ngayon, kundi ang “chi.”

Kaya balik uli tayo sa enerhiyang “chi”. Ang enerhiyang “chi” ay madaling maiin-tindihan, sa isang halimbawang sinuntok mo ang iyong kalaban. Ang nakatikom na kamao, at ang pagsapol nito sa mukha ng iyong kaaaway, sa totoo lang ay wala namang lakas kung walang enerhiyang “chi” na dumaloy sa nakatikom na kamao.

Sa madaling sabi, ang lakas na nagtulak sa kamao at ang lakas na tumama sa mukha ng kalaban ay ang tinatawag na enerhiyang chi. Hindi iyon ang lakas na galing sa sarili mo, bagkus may hiwalay na lakas, na inutusan lang ng sarili mo na pumasok sa iyong kamao upang magamit mo ngang panuntok sa iyong kalaban.

Ika nga ay “kumuha ka ng chi na nagkalat lang sa iyong kapaligiran, puwede ring kumuha ka ng chi sa loob ng iyong pagkatao at inutos mong pumasok sa iyong kamao at ng ito ay nakapasok na sa iyong kamao, bigla mo ngang binigwasan ang iyong kalaban.”

Kaya nga sa aktuwal na karanasan, mapapansin mong ang lakas ng “chi” sa iyong kamao ay depende sa lakas ng iyong iyong “will power” o sa lakas ng iyong pagkatao.

Kapag mahina ang iyong pagkatao, mahinang chi din ang mailalagay mo sa iyong kamao, pero kung malakas ang iyong pagkatao, malakas ding chi ang mailalagay mo sa iyong kamao.

Take note o alalahanin mo sumandali: Ang paglalagay ng enerhiyang chi sa iyong kamao ay unconsciously o hindi mo namamalayan, dahil sa panahong sumusuntok ka, kung halimbawang ikaw ay nakikipag-away, alipin ka ng galit at bugso ng damdamin.

Subalit hindi laging ganon ang sitwasyon. Sa halip, kung nag-aral ka ng Zen Buddhism o kaya’y estudyante ka ng Chi Kung, Tai Chi, o kaya’y Aikido, ito ay mga uri ng  martial arts at self-defense technique, ang lakas na isusuntok mo sa iyong kalaban, ay hindi galing sa galit at silakbo ng damdamin, kundi galing sa iyong “will power” na may kakayahang magpalabas ng mas malakas na enerhiyang chi.

Kung paano palalakasin at palalabasin ng suwabeng-suwabe ang enerhiyang chi, ay siyang ididiskas natin sa susunod na mga artikulo.

Itutuloy…

(Marami pa tayong Sikreto ng Punsoy na ibabahagi sa inyo sa susunod na mga araw. Manatili lamang kayong sumusubaybay sa mga artikulo ni MAESTRO HONORIO ONG. Kung may roon kayong katanungan maaaring i-comment ang inyong tanong sa ibaba o kaya’y mag-send ng inyong message sa philippineone.com. Masaya at libre namin kayong paglilingkuran. Maraming salamat po – MHO)

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Oktubre 3, 2018
Next articleChinese Horoscope Oktubre 3
Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychology sa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here