Sikreto 4: Ang agimat

0
1831
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang agimat na ABRACADABRA.

Ito ay isinusulat o iniuukit sa pamamagitan ng baligtad na patatsulok. 

Habang ang ikalawang paraan naman ng pagsulat o pag-ukit ay magsisimula sa buong salitang ABRACADABRA habang isa-isa inaalis ang bawat letra sa dulo, hanggang sa ang matira na lamang ay ang letrang A at makabuo ng hugis right triangle or acute triangle.

Saan nanggaling ang salitang ABRACADABRA?

Sa kasalukuyan, dahil sa katandaan ng nasabing salita ay walang nakatitiyak  o walang sapat na mga patunay kung saan nga ba nagmula ang salitang ABRACADABRA.

May nagsasabing ito ay mula sa Hebrew na salitang  “Nalikha Kung Ano Ang Aking Sinalita” at puwede ring “Nagkakatotoo Kung Ano Ang Sinabi Ko.”

Ipinapalagay din ng ilang mananaliksik na ang ABRACADABRA ay galing salitang Aramaic na, “Ako’y Lumikha Tulad ng Salita!” 

Subalit may isang aklat na isinulat ni Elizabeth Villiers tungkol sa Book of Charms ang nagsasabing, ang incantation na ABRACADABRA ay mula sa salitang Hebrew na nangangahulugang “Pronounce The Blessing”.

Ano ang kapangyarihang taglay ng ABRACADBRA?

Ito ay nakagagamot o nakagagaling ng iba’t ibang uri ng sakit lalo na ang karamdamang may kaugnayan sa lagnat, trangkaso at iba pa.

Ngunit, may nagsasabing ang tunay at talagang kapangyarihan ng agimat na ABRACADABRA sa sandaling ito ay nagkaroon ng bisa, ito ay isinusuot upang hindi ka tablan ng anumang uri ng karamdaman.

Dagdag dito, pinaniniwalaan ding ang sinumang magsusuot ng amulet na ABRACADABRA ay hindi dadapuan ng anumang uri ng kamalasan sa buhay at may kapangyarihan din ang agimat na ito na mapapanatili ang isang malusog at mahabang buhay sa tulong ng diyos na si Abraxas.

Itinuring din na ang ABRACADABRA ay nakapagbibigay proteksyon sa lahat ng uri ng  sakuna at disgrasya. Ito rin ay pantaboy sa demonyo at ng masamang espirito.

Pinasikat at sadyang naging popular ang agimat na ABRACADBRA mula sa sinaunang mystic Christian religion na Gnostics sa partikular ang sektang Basilides.

Paano gagawin upang maging agimat?

Iukit lamang ang “incantation” na ABRACADABRA sa isang metal, kagaya ng silver, tanso, tingga, pundidong bakal, ginto, o kaya’y sa isang bato, luad at puwede ring sa tela o kaya ay sa papel, sa balat ng punong kahoy, sa balat o katad ng isang hayop na virgin o hindi pa kumakasta at hindi pa nakakastahan at puwede rin sa telang kulay pula na hindi pa nagagamit.

Kailan dapat gawin ng pag-ukit o pagpinta ng ABRACADABRA upan maging isang agimat?

Ang agimat na ABRACADABRA ay dapat gawin mula sa first quarter hanggang sa kabilugan ng buwan sa langit, higit lalo mula sa ika-21 ng Marso hanggang ika-19 Abril, mula sa ika-21 ng Mayo hanggang sa ika-21 ng Hunyo o kaya nama’y mula sa ika-23 ng Agosto hanggang sa ika-22 ng Setyembre.

Paano at saan gamitin?

Isuot lamang ang ang ginawa mong amulet na ABRACADABRA bilang kuwintas na nakasabit sa iyong leeg. Kung nais mo namang proteksyunan sa anumang uri ng karamdaman at kamalasan ang lahat ng miyembro ng inyong pamilya, ang nasabing agimat ay puwede ring ipinta o idikit sa pintuan o kaya’y gate ng iyong bahay.

TANDAANG “Ang pagukit na ito, na ginawa mo sa sakto at tamang panahon,  at ang bagay na inukitan mo ng salitang “ABRACADABRA”  ay magiging isang “agimat” na, ingatan mo ito,  – na   dapat lamang taglayin ng isang taong may malinis na puso at may matuwid na pamumuhay. Ang amulet na ito ay hindi puwedeng gamtin sa masama upang hindi mawalan ng bisa, sa halip ito ay dapat lamang na gamitin sa pagawa ng kabutihan.”

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here