Sikreto 21: Ang kapangyarihan ng bawat kulay

0
663
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Latest posts by Maestro Honorio Ong (see all)

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang kapangyarihan at hiwaga ng bawat kulay. Sa ispesipik na diskarte ay ang suwerte o magandang kapalarang idinudulot ng bawat kulay sa bawat tao

Matagal ng paniniwala ng mga tao na may mga suwerte at may mga hindi suwerteng kulay. Maaaring ang suwerteng kulay ay sigon sa iyong zodiac sign o sigon sa personal mong panlasa o pagpili ng gagamitin mong kulay. 

Maaaring maitanong mo, paano ba nakaaapekto ang kulay, ganoon tila ang kulay ay likas na bahagi lamang ng kalikasan at masasabi pa ngang matatagpuan ito kahit saang lugar? 

Sinasabing tulad ng tunog ang kulay ay mayroon ding tinatawag na “vibration” kung sa tunog ay tinatawag na “vibration of sound” sa kulay naman ang saktong tawag ay “vibration of light.” 

Kung ang sound ay isang uri ng lakas o puwersa, masasabi ring ang color ay hindi naiiba, ito rin ay isang uri ng lakas o puwersa, kaya naman ito ay nakapagbibigay ng suwerte at malas o nakapagbibigay ng negatibong vibration o kaya’y positibong kapalaran sa sinumang gagamit nito. 

Samantala, bago natin laliman pa ng husto ang pagtalakay sa kung anong suwerte ang dulot ng bawat kulay, para marami pa kayong matutunan, tuklasin muna natin ngayon ang mapapalad na kulay ng 12 zodiac signs.

Sinasabing ang kulay na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Aries ay ang kulay na pula o red, bukod sa pula puwede rin silang gumamit ng black and white, ganoon din ang kulay ng iron o ng bakal.

Ang kulay na mapalad naman sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Taurus ay ang blue, green, olive at ang iba pang mga kulay na tinatawag na “pastel shades”.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Gemini ay ang silver at white, ganoon din ang orange at blue.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Cancer ang ang green, yellow, indigo, silver at white.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Leo ay ang yellow, orange at gold.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Virgo, ay multicolored, lahat ng kulay na kumikinang, cream, blue, white at silver.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Libra ay ang purple, pink, red at green.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Scorpio, vermillion, deep red at blue green.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Sagittarius ay ang kulay na royal blue, purple at violet.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Capricorn ay ang black, green, indigo at blue.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Aquarius ay ang grey, violet at golden yellow.

Ang kulay naman na mapalad sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Pisces ay blue, light green, indigo at violet.

Pinaniniwalaang sa sandaling ginagamit mo ang tamang kulay na angkop sa iyong zodiac sign, halimbawang ang mga kulay na ito ang pinipili mong kulay ng iyong damit na iyong susuutin at kapag ang mga kulay na ito ay laging mong ginagamit, mas madali mong mahihigop ang suwerte at magandang kapalaran lalo na sa pag-ibig, sa career, sa kabuhayan, sa salapi at sa lahat ng aspeto ng iyong buhay.

TANDAAN: “Sa sandaling ginamit mo na ang iyong suwerteng kulay ito ay magsisilbing isang agimat na magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran, kaya naman wag na wag mong kakalimutang ito ay dapat mong ingatan, – na dapat lamang taglayin ng isang taong may malinis na puso at may matuwid na pamumuhay. Ang anumang kulay na iyong gagamitin bilang pampasuwerte ay hindi puwedeng gamitin sa masama upang hindi mawalan ng bisa, sa halip ito ay dapat lamang na gamitin sa pagawa ng kabutihan.”

Itutuloy….

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here