Sikreto 10

2
1884
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Ang tatalakayin natin ngayon ay ang pampasuwerte o ang lucky charm na kung tawagin ay bell o kalembang. Kapag ang bell ay maliit ito ay tinatawag na kampanilya at kung ito naman ay malaki ito ay tinatawag na kampana o batingaw. Tingnan ang Larawan 1.

Ang kalembang ay itinuturing na isa sa pinaka antigong lucky charm at isa sa pinakamakapangyarihang agimat na sadyang napakabisa pantaboy ng evil spirits, at napakahusay ding proteksyon sa mga bata at sanggol ganon din sa mga may karamdaman.

Ang Pinagmulan ng Paggamit ng Kalembang bilang lucky charm

Ayon sa kasaysayan ang pagamit ng kalembang bilang bahagi ng gawaing pang-relihiyon at bilang pampasuwerte at pantaboy na rin ng masasamang espirito ay nagpasimula humigit kumulang noong 3rd millennium B.C. sa bansang China, sa partikular sa Yangshao culture, humigit kumulang 5000 BC to 3000 BC na noong mga panahong iyon ay gawa pa sa luad o malagkit na lupa, ngunit noong 1000 BC may mga kalembang na ring natuklasan yari sa bakal.

Ibat-ibang kapangyarihang taglay ng lucky charm na Kalembang  

Noong sinaunang panahon sa bansang China ang mga bagong silang na sanggol ay inilalapit sa kalembang upang maproteksyonan sa masasamang espirito at karamdaman.

Kapag pinatunog ang kampana habang ang isang mangkukulam ay lumilipad sa kalawakan, sinasabing ang mangkukulam na ito na nakasakay sa walis ay siguradong bubulusok pasubsob sa lupa.

Kapag lagi suot ang bell sa iyong dibdib bilang palawit sa kuwintas ito rin ay makatutulong upang ikaw ay maligtas sa lahat ng uri ng kapahamakan.

Sa sandaling pinatunog ang bell na nakasabit sa inyong bahay ito ay napakahusay na pantaboy ng masamang kapalaran habang nakaakit din ang suwerte at magagandang kapalaran sa sinumang magpapatunog at makaririnig ng tunog ng kalembang.

Dagdag dito napakahalagang patunugin ang kalembangan sa panahong nagdaranasa ka ng mga problema at mabibigat na suliranin, dahil ang tunog nito ang siguradong magtataboy ng mga negatibong vibration sa iyong buhay at ganon din sa iyong pamamahay.

Pinatutunog din ang kalembang bago umalis ng bahay kung sakaling ikaw ay makikipaglaban, halimbawa ay may lalahukan kang sports competition at iba pang uri ng paligsahan. Ganon din naman kapag lagi kang nagpapatunog ng bell matitiyak ang iyong tagumpay at pagwawagi sa kahit anong hamon at labanan ng buhay na iyong masusuungan.

Ang mahina at bahagyang pagpapatunog ng kalembang ay nakatutulong din upang mas mabilis na maka-recover at makapag-move on. ang isang taong may karamdaman at ang isang taong nakararanasa ng matinding kasawian sa pag-ibig.

Paano gagamitin?

Isuot bilang palawit ng kuwintas o kaya’y palawit sa hikaw, (Larawan 2 at 3). kung nais mong ang kapampanilya ay magsilbing pampasuwerte mo sa buhay saan ka man pumunta at kasabay nito ay pantaboy na rin sa ibat-ibang uri ng kapahamakan at iba pang masasamang pangyayari sa iyong buhay. Kapag tumutunog maaakit din nito ang suwerte lalo na ang mga biyayang pangmateryal at ligaya sa buhay. Kaya nga saan mo man gamitin ang bell, personal o sa loob ng inyong bahay o sa loob ng iyong silid, siguraduhin mong ito ay tumutunog ng matining o may magandang tunog.

Ilagay naman bilang pangdekorasyon ang bell sa silangang bahagi ng inyong bahay upang magsilbing pampasuwerte sa tuwing ito ay iyong patutunugin.

Kailan dapat unang gamitin o kailan dapat isabit ang kalembang upang mas maging mabisa? 

Ang lucky charm na bell ay dapat simulang gamitin o suotin mula sa ika-19 ng Nobyembre hanggang ika-28 ng Disyembre,  mula ika-19 ng Hulyo hanggang ika-28 ng Agosto at mula sa ika-19 ng Marso hanggang sa ika-28 ng Abril.

TANDAANG “Ang sa sandaling ginamit mo na ang anumang uri ng kalembang bilang lucky charm ito ay magkakabisa na, kaya ang agimat na  ito ay dapat mong ingatan. Ito ay dapat lamang  taglayin ng isang taong may malinis na puso  at may matuwid na pamumuhay. Kung isasabit naman ang kalembang sa tahanan, ito ay dapat lamang na  taglayin ng isang pamilya na may malinis na puso at may matuwid na pamumuhay ang bawat miyembro ng nasabing pamilya . Ang lucky charr na bell ay hindi puwedeng gamtin sa masama upang hindi mawalan ng bisa, sa halip ito ay dapat lamang na gamitin sa pagawa ng kabutihan.”

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

2 COMMENTS

  1. Salamat Po Maestro… Parang gusto ko po magkaun ng ganyan pero ung palawit lng po ng kwentas…kaso parang bihira nlng po yta ngaun may ganyan na palawit..wla po kc ako napapansin sa mall nyan.pero try ko mghanap ng ganyan palawit ng kwentas… Salamat Po sa impornasyon na ito… Buti nlng nabasa ko po ito…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here