SIKRETO 1: Talisman

0
2427
Maestro Honorio Ong

Maestro Honorio Ong

Si Maestro Honorio Ong ay tubong Bulacan. Anak ng mag-asawang Ka Talia at Kapitan Sucing. Bunso at pinakaguwapo sa sampung magkakapatid. Nagtapos ng Bachelor of Science ,Major in Clinical Psychologysa Far Eastern University, Sampaloc, Manila. Sa University ring ito nag-aral at kumuha ng Master of Arts in Clinical Psychology.
Maestro Honorio Ong

Tatalakayin natin ngayong Sikreto 1, ang tungkol sa talisman, anting-anting at mga pampasuwerte.

Gagawin natin ang malalimang pag-aaral na ito hinggil sa Talisman, Anting-Anting at mga Pampasuwerte upang tulad ng madalas na ipinapangaral ni Maestro Honorio Ong ang mga karunungang inyong matutunan ngayon ay magagamit ninyo upang lalo pa kayong magtagumpay, umunlad at maging maligaya.

Simulan natin ang diskusyon hinggil sa Talisman. Ang Talisman ay isang espesyal na bagay na pinaniniwalaang nagtataglay ng pambihirang kapangyarihan (magical properties) na maaaring magdala ng magandang kapalaran sa sino mang nagtataglay nito.

Bukod sa nagbibigay ng suwerte at magandang kapalaran, pupuwede ring ang isang Talisman ay makatulong upang maging pananggalang ng nagmamay-ari nito sa anumang uri ng kapahamakan (bad or evil spirit).

Sinasabing ang kapangyarihan ng isang Talisman ay sigon sa uri nito, kung para saan gagamitin o kung para saang dahilan o purpose ito nilikha ng isang antingero o ng isang taong banal na gumagawa, nagbebendisyon o nagkonsagra ng Talisman.Samantalang ang Lucky Charms o mga Bagay na Pampasuwerte, tulad ng mga amulets,  technically speaking ay iba sa Talisman bagamat kung minsan ay akala ng pangkaraniwang tao ay pareho rin ang dalawang magkaibigang bagay na ito.Ang pagkakaiba ng Lucky Charms sa Talisman ay ganito.

Tulad ng nasabi na, “ang Talisman ay isang bagay na nilagyan ng kapangyarihan” (a talisman is “…a magical figure charged with the force which it is intended to represent.”  – Mula sa  Hermetic Order of the Golden Dawn)  habang ang mga Lucky Charms ay dati ng may kapangyarihan simula pa ng ito ay naging bagay o sabihin na nating “ang mga Lucky Charms ay hindi binulungan o inorasyunan ng isang antingero o ng isang taong banal”, bagkus “nagkataong dati na ito na may bisa, sigon sa taong nagmamay-ari nito.”

Halimbawa ang old coin na may year ng saktong iyong kapanganakan lalo na at ang coin o barya ay yari sa pilak (silver)  ay magsisilbing Lucky Charms ng isang taong ka-year niya ang pagkakagawa sa nasabing old coin. Sa partikular na ehemplo, kung ikaw ay isinilang noong 1972 at may “old coins ka na year 1972” rin ang pagkakagawa o nakaimpreta dito”, lagi mo lang dalhin at taglayin ang nasabing  “coin” ito ay walang duda, na magsisilbing “pampapasuwerte mo, hindi lamang sa pag-ibig kundi pati na rin sa materyal na bagay at iba pa”.

Lalo na kung alam mo kung paano gagamitin ang coin o barya na nabanggit, na ituturo rin nating isa-isa, ang tamang pagamit sa susunod na mga araw.Kaya mula ngayon, manatili kayong sumusubaybay, sa bagung-bago nating artikulong ang ANG SIKRETO NG TALISMAN, ANTING-ANTING AT MGA PAMPASUWERTE ni Maestro Honorio Ong, na matutunghayan ninyo exclusive o dito lang sa online website na PhilippineOne.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here