Sigaw ni Pangulong Duterte: Federalismo ang solusyon sa problema ng Pilipinas

7
51147

Ang federalismo ay isang uri ng pamahalaan na nagbibigay ng eksklusibong pamamahala sa mga rehiyon ng isang bansa. Sa federalismo, ang isang bansa ay nahahati sa iba’t ibang estado o state kung saan ang mga ito ay may kakayahan at kapangayarihang mamuno ng malaya sa bansa tulad ng pagpapataw ng buwis at paggawa ng mga sariling batas sa lokal nito.

Ilan lamang sa mga tanyag na bansang federalismo ang uri ng pamamahala ay ang Russian Federation, United States, USSR, Canada, Mexico, Brazil, Germany, Switzerland, Australia at India.

Ito ngayon ang sinusubukang itulak ng administrasyong Duterte. Bago pa man ang kanyang pag-aanunsyo ng nakaraang taon na siya ay kakandidato sa pagka-pangulo ay inihayag na ng pangulong Duterte ang kanyang kagustuhang mag-shift mula sa unitary patungo sa federal state ang porma ng gobyerno ng Pilipinas. Saad pa niya ay ito ang maaaring maging solusyon sa mga problemang kinakaharap ng bansa.

Ngunit ng mga nakalipas na buwan ay naging tutok ang pangulo sa laban kontra droga at maging sa terorismo sa bansa na halos ni hindi na nabanggit pang muli ang federalism. Ngunit, nito lamang Agosto ay muling nanawagan ang pangulo na amendahan na ang konstitusyon upang matigil na lumalalang problema sa Mindanao.

“If you do not reconfigure the unitary type of government now, which is the one that we’re using, and if there is no change in Mindanao, there will be no peace until the end of time for the Philippines.Ito ang kanyang saad ng dumalo siya sa Philippine Development Forum sa Mandaluyong noong August 9.

Ayon sa isang video na ginawa ng mga taga-suporta ni pangulong Duterte, ang federalismo ay makakatulong hindi lamang para malutas ang suliranin sa Mindanao, kung hindi maging sa buong bansa.

Sa ngayon ang ating gobyerno ay isang unitary form of government. Ibig sabihin, halos lahat ng kapangyarihan at kapamahalaan ay itinatalaga sa isang sentralisadong pamahalaan. Isang aspeto nito ay ang mga kita at pondo ng bawat rehiyon ay mapupunta lahat sa sentralisadong pamahalaan. At mula doon, ang budget ay ipinamamahagi pabalik sa bawat rehiyon batay sa halaga na itinakda ng pamahalaan. Sa federalismo, ang kapangyarihan ay mahahati sa pagitan ng National Federal Government at Local State Government. Ang Pilipinas ay mahahati sa iba’t ibang estado at ang bawat estado ay mapapanatili ang 80% ng kanilang kita at pondo at 20% lamang ang mapupunta sa federal national government. Mula sa 80% ng bawat estado, ang 30% ay mapupunta sa local state at 70% sa mga probinsya, lungsod, munisipalidad at barangay. Bawat estado ay mayroong sariling hanay ng mga senador at mga kinatawan. Ang legislative powers ay hahatiin sa pagitan ng national federal government at local state government. Sa madaling salita, ang national federal government ay responsable sa usapang military at proteksyon ng buong bansa. Ang local state government naman ang magiging responsible sa sarili nilang estado, kung saan ang bawat local na pamahalaan ay mas may kontrol sa mga proyekto, budget at mga pagpasa ng batas.

Sa madaling salita ay mas mapagtutuunan ng pansin ng ating national government ang pangangalaga at proteksyon sa bansa at ang local state government naman ang bahala sa pagpapatayo ng mga imprastraktura sa kanya-kanyang estado.

Hindi na nakakapagtaka na ang mga bansang Russia at America ay tinatawag na mga superpowers na mga bansa. Kaya hindi na nakapagtataka kung gaano ka-high-tech  ang mga gamit na pangdigma ng mga nasabing bansa dahil ang 20% na mula sa mga local state government ay naifo-focus sa mga bagay at gamit ng kanilang mga military at kapulisan.

Maaari ring ang mangyari ay magpapatalbugan sa pagpapaganda ang mga opisyales ng kanya-kanyang estado upang hindi maangatan ng iba. Nakakahiya nga naman kung pakaiisipin na ang mga estadong katabi mo ay napakaunlad na samantalang ang iyong estado ay hindi pa rin.

Noong nakaraang taon ay sinabi ng Pangulong Duterte na gusto niyang maamendahan ang konstitusyon sa pamamagitan ng constituent assembly kung saan magpupulong ang mga taga-gawa ng batas upang mapag-usapan ng husto ang mga pagbabago o charter change.

Ngunit, sinabi rin ng pangulo na bukas siya sa ideya na gumawa ng isang constitutional commission na kinasasalihan ng mga former justices.

“I suggest that we appoint 24 commissioners. If you want, you can put all the retired justices. Few civilians, about five”, dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay nag-issue ng Executive Order no. 10 ang Pangulo upang makabuo ng dalawampu’t limang miyembro ng consultative body na ire-review ang 1987 Constitution.

Naniniwala kasi siya na hindi lahat ng nakasaad sa konstitusyon ay maaari pa rin mai-apply sa panahon natin ngayon.

Marami ang pabor ngunit marami rin naman ang hindi pabor sa kagustuhang ito ng Pangulo.

Ngunit, kung pakaiisipin ay maaari na ngang panahon nang pagbabago sa uri ng gobyerno ng Pilipinas sapagkat makalipas ang napakaraming taon na ang uri ng ating gobyerno ay unitary, walang gaanong kaunlaran na naramdaman ang mga Pilipino.

7 COMMENTS

  1. If ever iaapprove ang federalisom sa bansa mas makakatulong ito satin. Mas magiging maganda ang inyong baranggay o syudad kung ito ay nasa ilalim ng federalismo. Sapagkat, 50% ng inyong naipong pundo (ng inyogn syudad) ay mapapasa inyo at 50% naman sa national federal gov’t. Kung gayun, mgiging mababa na ang mga presyo nyo ng bilihin at mas magiging maganda pa ang inyong lungsod. para sakin, kaylangan na talagang baguhin anopa’t ilang taon ganun parin ang sistema ng pamahalaan eh wala namang pagbabago? Marami paring naghihirap. YES TO FEDERALISM!

  2. i say yes.Tingin ko yung sistema ng unitary ay di pa tayo masyadong hinog para gamitin sa pag-unlad.Subukan natin yung federalism baka sakali mas maganda na buhay nating lahat,mabawasan na yung mga mahihirap

  3. Para ito kay Razel Resula. Iginagalang ko ang iyong pagsusulat ng mga balita ngunit nang mabasa ko ang artikulong ito, marami akong napansing pagkakamali mo sa paggamit ng balarilang Pilipino. Gaya ng pinagkaiba ng “nang” sa “ng”. Pati na rin ang paggamit ng “nakakapagtaka” dapat ay “nakapagtataka” (unang baybay ng salitang ugat ang inuulit, hindi ang panlapi. Hindi nababago ang mga panlapi, tanging ang mga salitang ugat lamang.)

    Nakalilito ang mga salitang ginagamit mo. Kagaya ng panapos na talata ng iyong artikulo:

    Ngunit, kung pakaiisipin ay maaari na ngang panahon nang pagbabago sa uri ng gobyerno ng Pilipinas sapagkat makalipas ang napakaraming taon na ang uri ng ating gobyerno ay unitary, walang gaanong kaunlaran na naramdaman ang mga Pilipino.

    Ito ang tama : “Ngunit kung pakaiisipin ay maaari ngang panahon na ng pagbabago sa uri ng gobyerno ng Pilipinas, sapagkat sa nakalipas na maraming taon na ang uri ng gobyerno ay unitary, walang gaanong kaunlaran na naramdaman ang mga Pilipino”

    Fallacy ang tawag sa huling pangungusap na ginawa mo, ito ay hasty generalization, o ang paggegeneralize na walang gaanong kaunlaran ang mga Pilipino. Hindi ba maunlad ang mga mayayaman? “walang gaanong kaunlaran” Maraming mga proyekto ang naisagawa sa mga nakalipas na taon na tanda ng pag-unlad. Ito ay isang mensahe para sa iyong mas mainam na pagsusulat.

    • At dahil matatalino ang mga Filipino, majority ng nakabasa nito ay hindi na napansin ang mga pinansin mo. Lol. Sarey papansin ako. ♥♥♥

  4. I agree but paano kung ung batas na ginawa ng isang estado ay may mali, may control ba ang national federal government dito para mabago ung batas na un?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here