Siargao Movie Review – Surfing, Vlogging, At Singing All-In-One

0
1800

Itong pelikulang ito ay tungkol sa isang vlogger at isang musician na nagkita sa Siargao. Si Jigs or Diego (Jericho Rosales) ay isang lokal sa Siargao pero nagpuntang Maynila para maabot ang kanyang mga pangarap. Si Laura (Erich Gonzales) ay isang sikat na vlogger na nagpunta sa Siargao para mahanap ang kanyang sarili.

Sobrang ganda ng cinematography ng pelikulang ito. Isa sa mga nasa isip ko nu’ng pinapanood ko ito ay sobrang sisikat pa lalo ang Siargao as a tourist spot after nito. Feeling ko matutulad ito sa Sagada na pinuntahan ng mga tao pagkatapos mapanood ang pelikulang “That Thing Called Tadhana”.

Super deserving ni Paul Soriano ang best director sa katatapos lang na MMFF awards. Nanalo rin si Jasmin Curtis Smith na best supporting actress sa role niya bilang love interest ni Echo sa pelikula. Nanalo din ng Best Cinematography ang Siargao, pati na Best Sound, Best Theme Song: “Alon” by Hale, at Best Editing.

Laidback lang ang style ng pelikula. Maraming mga subtle moments at mga surfing moments na ipinakita. Okay lang din naman yung pinaka-plot ng story. Hindi siya ganu’n ka-interesting pero dinala talaga ng cinematography ang buong pelikula. Medyo na-off lang ako sa mga biglang litanya ng mga karakter sa movie. Bigla-bigla na lang sila humuhugot habang nag-uusap-usap.

May isang scene na natawa ako at ang kapatid ko dahil unang kita pa lang ni Jasmine kay Erich pero nang nag-usap sila todo hugot na si Jasmine sa mga tungkol sa buhay at sa love life. Siguro nga ‘yun ang nadudulot ng Siargao sa mga tao. Nagiging deep sila at makata.

Hindi ko rin masyado trip yung mga singing scenes ni Jericho. Pero ,super natural nang pag-arte ng mga karakters dito lalo na sila Erich at Echo. Nagulat nga ako nang mabasa ko na si Derek Ramsey ang nanalong best actor sa MMFF.

Kung hindi n’yo pa napapanood ang pelikulang ito ay pumila na kayo sa mga sinehan dahil sobrang sulit siya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here