SI RONALD REAGAN AT ANG 666 CONNECTION!

??????????????????????????????????

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Latest posts by Ravenson Biason (see all)

Kakatwang isipin na ang dating Hollywood actor at President eng US na si Ronald Reagan ay may koneksiyon sa numerong 666. May ilang  ng pangyayari sa buhay ni Reagan na related sa naturang numero. Pero, ayon sa Bible scholars, hindi siya ang tuwirang tinutukoy na beast sa ‘Book of Revelation’ na may tatak ng 666. Kundi, related lamang sa numerology ang naganap kay Reagan.

Pero, may ilang nagpapalabas na si Reagan ay isang anti-Cristo na tinutukoy sa aklat ng Revelation 12:3. Kapag kinuha mo raw ang letrang R at E mula sa red at idagdag ito sa ibang letrang A, G, O, at N na mula naman sa salitang DRAGON, posibleng lalabas ang spelling para kay Reagan. Ang ‘Red Dragon’  umano ay isang Biblical name sa isang anti-Christ.

Ngayon, ating tutukuyin kung papaano pinalabas ng mga numerologist na ganito nga si Reagan. Ang tawag dito nila ay Reagan and 666 connection.

  1. Ang mga pangalang Ronald Wilson at Reagan ay kapwang may 6 letters.
  2. Ang house number ni Reagan ay 666 bago ito pinalitan ni Nancy ng address na 668.
  3. Binaril siya at nasugatan, naka-recovered sa sugat. (Revelation 13:3)
  4. Noong election day noong 1980, Ang 666 ang nanalong lottery number sa New Jersey at Maryland.
  5. Noong 1984, Sabado, pagkatapos ng kanyang re-election, ang numerong 666 ay nanalong muli bilang lottery number sa Maryland. Sold out tuloy ang naturang ticket number dahil sa dami ng nanalo rito.
  6. Ang unang budget na hinulaan noong panahon niya ay nasa 666 bilyong dolyar sa government revenues.
  7. Ang re-election campaign niya ay gumugol ng 66.6 milyong dolyar.
  8. Noong July 6, 1999, nagpasya ang California na magproduce ng Reagan licensed plates (plaka) na pumalo sa 66 to 6 votes.
  9. Ang unang pelikula niya ay Ang pang-666th film na ni-released ng Hollywood. Sa pelikulang “Knute Rockne All American” kung saan gumanap siyang isa sa ‘The Four Horsemen’ ng aklat ng Apocalipsis ng Biblia.
SHARE
Previous articleNegatibong Tao, May Pag-asa Pang Magbago
Next articlePamahiin Sapatos: Barya Kapalit
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here