Si Hesus at ang Social Media

0
99

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Na-imagine nyo na ba kung si Hesukristo ay kasama natin ngayon at nabubuhay ng tulad sa kung paano mamuhay ang isang tao? Sa tingin nyo, paano niya gagamitin ang social media? Magpopost din kaya siya tulad ng mga ipinopost natin? Magseselfie at makikipagpaligsahan sa mga sikat sa social media? Kung wala kayong ideya, hayaan mong ibahagi ko sa inyo ang mga posibleng paraan ni Hesus kung paano siya makakapasok sa mga puso natin sa pamamagitan ng social media.

1.Gagamitin ni Hesus ang social media hindi para magpalipas ng oras o magpasikat. Siguradong ibabahagi niya ang mga pangaral at salita ng Diyos Ama. Ilalapit niya ang kalooban natin sa Diyos at magpopost ng mga makabuluhang bagay na gigising sa ating pagiging mabuting tao. Ipapaalala sa atin sa pamamagitan ng mga quotes ang misyon na dapat nating ginagampanan habang tayo ay nabubuhay.

2.Ipa-follow niya, ila-like ang mga hindi naniniwala sa Diyos Ama at ie-encourage sila na magkaroon ng pananalig at pagtitiwala sa kanya. Irere-tweet niya ang mga nagkokomento ng mabubuti para sa kanilang kapwa at ise-share ang mga mabubuting gawa na makikita niya sa social media.Kakamustahin niya ng madalas sa messenger ang mga nangangailangan ng atensyon at pagmamahal.

3.Gaano man siya maging abala sa pakikipagkonekta sa atin sa social media ay sisiguraduhin niya na makapaglalaan siya ng oras upang makakonekta naman sa Diyos Ama. Ipagdarasal niya sa kanyang ama na magustuhan natin at maintindihan ang kanyang nais ipahiwatig sa social media. Na nawa’y magawa niyang buksan ang puso natin sa tunay na kahulugan ng pagiging kristiyanong katoliko.

4. Habang ibinabahagi sa atin ni Hesus ang mga salita ng Diyos at ipinapakita sa atin na kailanman ay hindi magbabago ang kanyang status ng mabuting relasyon sa ating lahat, pananatilihin niyang pribado ang kanyang taimtim na pananalangin kasama ang kanyang mga disipulo. Isang halimbawa ito na sa kabila ng pagiging open ng buhay natin sa social media ay mahalaga pa rin na may portion ng buhay natin na kailangan nating panatilihing pribado.

Kung ikaw ay isang  katoliko, gagawin mo rin ba ang mga paraan ni Hesus kung paano niya gagamitin ang social media?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here