Sherlock Jr Marso 12 : Jenny, kabilang na sa mga biktima ni Carl

0
199
Sherlock Jr Marso 12 : Jenny, kabilang na sa mga biktima ni Carl

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Mahilig ba kayong manood ng mga palabas na may bidang aso? Nakakaaliw ang mga ganitong panoorin tulad na lang ng Sherlock Jr Marso 12. Ang teleseryeng pinagbibidahan nina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Bilang matalik na kaibigan ng tao ang aso kaya naman ito ang ginagampanan ni Serena bilang Siri sa pagboboses ni Mikee Quintos. Sa Episode ngayong gabi ng Sherlock Jr. ay hindi na nagawa pang makaatras ni Jenny (Kate Valdez) sa kamay ng chatmate niyang si Carl (Marc Abaya). Gumagamit si Carl ng ibang mukha, mukha ng gwapong teeenager para makakilala ng magagandang dalaga sa social media. Matapos makuha ang loob ay makikipagkita naman siya kanyang biktima. Kapag nakuha na niya ang biktima ay saka rereypin at papatayin.

Sherlock Jr Marso 12 : Jenny, kabilang na sa mga biktima ni CarlSi Jenny ang sunod na biktima ni Carl. Dahil excited si Jenny na makilala in person ang gwapong si Carl kaya gumawa siya ng paraan para makipag meet up dito kasama ang kaibigan.Pero dahil naiwang mag-isa nang magpaalam ang kaibigan kaya nagkaroon ng magandang pagkakataon si Carl para lapitan si Jenny. Nakumbinsi niya ang dalaga na uncle lamang siya ni Carl at hinihintay siya nito sa kotse.Nagdalawang isip man ay napapayag pa rin ni Carl si Jenny na sumunod sa kanya. Lumang style na ito ng mga taong nagpapanggap sa social media para makapambiktima pero tulad ng nangyayari sa katotohanan paulit-ulit din itong nangyayari sa mga kabataan gaya ng ipinakita sa Sherlock Jr. Hindi ko alam kung dala ba ng curiousity o sadyang matitigas lang ang ulo ng mga kabataan kaya laging nalalagay sa kapahamakan. Muntik na sanang makatakas si Jenny sa panganib pero naunahan siya ni Carl, matapos siyang sikmuraan ay kinarga siya nito pasakay sa kotse. Buti na lang at nagawa pang makasampa ni Siri sa kotse para masamahan ang kanyang amo.

Gayon na lang ang pag-aalala ng mga magulang ni Jenny na sina Perla (Ai-Ai delas Alas) at Rado (Roi Vinzon) at ng kanyang half brother na si Jack. Abangan natin kung paano maililigtas ni Siri si Jenny sa susunod na episode ng Sherlock Jr.

Teleserye Review dito

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here