Sey ni Pangulong Duterte: Ako at si Marcos Lang ang nagbigay ng pangangailangan ng mga sundalo

0
45

Never was a time na walang ibang—hindi ako nagyayabang. Walang president, dalawa lang, ang nagbigay na kinakailangan para sa isang sundalo. Ako lang pati si Marcos.” Ito ang saad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng bumisita siya sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu. Matatandaang hindi itinatanggi ng Pangulo ang katotohanang idolo niya si dating Pangulong Marcos.

Marami man ang mapataas ang kilay sa sinabing ito ng Pangulo ngunit hindi nila kailanman maaaring pasubalian ito. Sa dinami-rami ng nakaraang Presidente ng Pilipinas, maliban kay Marcos, maraming patunay sa sinabing ito ng Pangulo.

Ilang beses siyang umikot sa mga kampo ng ating mga sundalo para magbigay ng speech o di kaya ay magbigay ng gantimpala dahil sa kanilang mga sakripisyo para sa ating bayan.

Kaya naman hindi na rin nakapagtataka na malaki ang tiwala ng Pangulo sa ating mga kasundaluhan na ipinakita niya ng tiwala siyang mag-deklara ng Martial Law sa buong Mindanao ng pumutok ang kagustuhan ng Maute na sakupin ito simula sa Marawi. At dahil dito ay ginawa din naman ng ating mga bayani ang lahat ng magagawa para lamang muling mabawi ang Marawi.

“More than any other president in modern history, Duterte has shown a strong trust and confidence in the abilities of the armed forces. He sees them as crucial partners in his difficult task of ending the protracted wars being waged by both communist and Moro rebels all over the country, but especially in his home region of Mindanao.” (news.mb.com.ph)

Kung pakaiisipin ay hindi na nakapagtataka kung ganito man ang kumpiyansa, tiwala at pagmamahal ng isang Pangulo ng isang bansa para sa mga sundalo lalo pa at siya ang Commander-In-Chief ng bansa. Ngunit,  ibang lebel ng pakikipag-ugnayan ang pinapakita ng Pangulo at iyan ay dahil na rin sa katotohanang isang crucial na tungkulin ang maaaring gampanan ng ating mga sundalo. At ito ay ang hindi lamang ang pakikipaglaban sa mga terorista na nais sakupin ang ating bayan kung hindi maging ang pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng grupo na ang hangarin lamang ay i-bully ang gobyerno para maging sunud-sunuran sa kanilang kagustuhan.

Kaya naman hindi na rin dapat na ipagtaka ang espesyal na pagtrato na ipinapakita ng Pangulo sa ating mga kasundaluhan.

Noong July 2017, namigay ang Pangulo ng 400 na G-shock na relo sa mga sundalong nakipagbakbakan sa teroristang Maute sa Marawi City. Binigyan din niya ng pagkakataon na makapag-Hongkong ang mga babaeng sundalo na lumaban sa Marawi at ang iba pang sundalo na nasusugatan sa oras ng serbisyo ay personal niyang binibisita, binibigyan ng medalya at financial assistance.

Malakin rin ang pondo na ipinapabigay ng Pangulo para sa ating mga sundalo at binibigyan ng mga kagamitan upang mas mapatibay ang pakikipaglaban sa mga kalaban ng Republika ng Pilipinas.

Sa ginawa rin niyang pagbisita sa Camp General Teodulfo Bautista ay ipinangako rin ng Pangulo na magbibigay siya ng Christmas party para sa mga sundalo at wristwatch para ipagdiwang  ng kanilang kaarawan.

Maituturing na isang malaking hakbang ang pagbabagong ginagawa ng Pangulo sa kanyang trato sa ating mga sundalo at ang tiyak na ang susunod sa kanyang ay mapi-pressure na malagpasan kung hindi man ay mapantayan man lamang ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here