Serial Killer Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Nakakatakot ang managinip ng serial killer, dahil sa totoong buhay ay nakakatakot naman talaga ang makaengkuwentro nito. Ang managinip nito ay isang babalang dapat mong paghandaan. May dalawang kahulugan ang serial killer sa iyong panaginip. Una ay kung makakita ka ng serial killer at ang isa ay yung ikaw mismo ang serial killer sa sarili mong panaginip.

Makaengkuwentro ang serial killer

Ang makakita ng serial killer sa panaginip ay nagpapahiwatig na may mga tao na naiinggit sa’yo. Maaaring isa o higit pa. Ang taong ito ay nag-eenjoy na makita kang nahihirapan. Yung tipong hindi niya ipaparamdam sa’yo na siya ay natutuwa sa tuwing ikaw  ay nakakaranas ng kabiguan. Hindi niya ipapahalata sa’yo ang kanyang motibo at tunay na intensyon dahil hindi niya gugustuhin na malayo ka sa kanyang paningin kahit pa kinaiinisan ka niya. Gusto kasi niyang masaksihan mismo sa kanyang harapan ang iyong pagbagsak. Kaya kung mananaginip ka ng serial killer, talasan mo na ang pakiramdam mo sa mga taong nakapaligid sa’yo dahil maaaring isa sa kanila ang tinutukoy ng iyong panaginip.

Ikaw ang serial killer

Kung sa panaginip mo naman ay ikaw mismo ang serial killer, ang ibig sabihin nito, ikaw ay nakakaranas ng labis na pagkainggit sa isang tao. Hindi mo man gusto na maramdaman ito ay kusang dadaloy sa iyong sistema. Magkakaroon ka ng mga katanungan sa isip mo na bakit siya may ganon, bakit siya may ganyan. Yung tipong masasabi mo talaga sa sarili mo na unfair ang buhay. May comparison ka sa iba. Maaaring ang pag-uugaling ito ay hindi mo mapansin sa sarili mo dahil nakatutok ka nga sa iba kaya naman ito ang siyang ipapahiwatig sa’yo ng iyong panaginip. Na nagiging negatibo ka na dahil sa hindi makatwiran mong pagtingin sa buhay. Nahihirapan kang tanggapin kung ano ang buhay na meron ka.Naiinis ka sa nakikita mong kasaganaan ng iba habang ikaw ay naghihirap sa iyong pinagdaraanan. Kaya kung napanaginipan mo na ikaw ay isang serial killer, dapat mo nang baguhin at bantayan ang attitude mo dahil baka ipahamak ka nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here