SENYALES NA MALAPIT KA NANG MAMAALAM SA MUNDONG ITO

2979

Maituturing ang human body na isang masterpiece. Sa pagbuo pa lamang ng ating pisikal na katawan sa sinapupunan ay nakamamangha na. Ito ay may sinusunod na rhythm at numerical patterns.

         Ang ating katawan ay isang perpektong mekanismo. Ito ay nakagagalaw, nakagagawa ng mga iba’t ibang gawain, at nakapag-iisip.

        Ang human body ay maihahalintulad sa isang computer system. Tulad isang computer, ang human body ay may iba’t ibang body systems na sama-samang umaandar upang mag-function ang ating katawan.

        Tulad ng isang computer system, darating ang panahon na ang human body ay magsi-shut down, permanently.  Sa medicine, itinuturing na clinically dead ang isang tao sa sandaling huminto ang pag-andar ng lahat ng organs at body systems, partikular na ang utak.  Ngunit, ang takdang oras ng kamatayan ay walang nakakaalam.

        May mga naitalang kuwento o report na nagsasabi na ilang tao ang nagpapakita ng partikular na behavior o attitude bago sila mamatay. Ang ilan ay nagpapahiwatig ng kanilang nalalapit na pamamaalam.

        Ayon sa ilang paranormal experts at scientist, posible na nararamdaman ng ating body system kung kailan ito magsa-shut down. Ibig sabihin, bago pa man tayo tuluyang mamaalam, may mga senyales o pahiwatig tayong mararamdaman sa ating sistema na siyang nagbababala na malapit na tnga tayong mamatay. Ito ang tinatawag na intuition.

        Isang scientific study ang isinagawa sa University of Kent’s School of Psychology, kung saan sinaliksik ang ilang posibilidad na nadi-detect nga ng tao ang kanilang nalalapit na kamatayan—at ito ay sa pamamagitan ng sense of smell. Naaamoy ng isang tao ang koneksiyon sa pagitan ng emosyon at isang partikular na scent.

        Kung ang isang taong mahalaga sa iyo ay kasalukuyang naka-confine sa ospital at nagpasabing gusto kang makita, tiyakin na mapuntahan mo siya kaagad. Malaki ang posibilidad na nararamdaman na ng taong ito ang nalalapit niyang pagwawakas. Huwag babalewalain ang kapangyarihan ng intuition at espiritu.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here