Senyales na hindi magkakaroon ng magandang pagsasama ang mag-asawa

Alam na alam natin na hindi maaaring magpakasal ang magkapatid sa parehong taon, kapag din may namatay sa inyong pamilya ay hindi ka maaasring magpakasal, ngunit paano naman kung ikinasal ka muna bago may namatay sa inyong pamilya, maituturing pa bang sukob iyon? Nakalulungkot man sabihin pero, oo, sukob pa rin iyon kaya maaaring malasin ang ikinasal.

Hindi naman kasi pinag-uusapan kung sino ba sa ikinasal o namatay ang nauna, ang pinag-uusapan ay iyong nangyari ng taon na iyon. Kung ganoon, Malaki talaga ang posibilidad na ang pagsasama ng mag-asawa ay maaaring malasin. Dahil kasi sa bigat ng sitwasyon ay agad na masusubukan ang kanilang katatagan. Hindi maaaring magkamali ang sinuman sa kanila dahil ang maliit nilang problema ay posibleng madagdagan nang madagdagan.

Kung ang problema ng mag-asawa ay nagkasapin-sapin na, magagawa pa bang ayusin? Ang sagot ay depende sa pagmamahalan ng dalawang tao. Pakiramdam kasi minsan ng mga bagong kasal ay ang pagmamahalan nila ay pang-fairy tale lang. Iyon bang inaakala nilang puro happy ending lahat. Siyempre naman, hindi pwedeng ganoon palagi ang mangyayari dahil nga nasa tunay na buhay tayo. Ibig sabihin, anumang oas ay may agsubok na darating.

Kaya, goodluck sa mag-asawa na dumadaan sa ganitong sitwasyon. Hiling ko ay malampasan ninyo ang pagsubok at ang manaig  sa inyo ay ang inyong pagmamahalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here