Senyales kapag walang utang na loob ang tao

Kung minsan, ang sobrang pagiging mabait mo ay makakasama rin sa’yong buhay dahil may mga taong sobrang abusado. Ibinigay mo na nga ang kanang kamay mo para tulungan siya, gusto pang kunin ang kaliwa mong kamay. Siyempre, hindi naman maaari iyon dahil siguradong sa huli ay ikaw ang susubsob. Kaya, mag-ingat ka rin sa pagtulong na ginagawa mo dahil baka magsisi ka lang. Uy, makabubuti pa siguro kung malalaman mo ang Senyales kapag walang utang na loob ang tao.

Una, walang pakialam sa kanyang kapwa. Kung nagawa kang matulungan ng isang tao, kailangan naman ay hindi mo siya susuklian ng kasamaan. Dapat nga ay maging mabuti ka rin sa kanya lalo na at noong panahon na nangangailangan ka, nagawa ka niyang sagipin sa matinding pagkapahiya.

Pangalawa, nagiging mayabang kapag may hawak na pera. Karamihan sa ating Pilipino o kahit na ano pa ang lahi mo na nagagawang kalimutan ang kanilang mga magulang kapag ang mga ito ay matatanda na. Basta para sa kanila ay mayroon silang pera at mayroon silang maalwang pamumuhay. Well, maling-mali ka riyan. Kung hindi ka kasi marunong tumanaw ng utang na loob sa’yong mga magulang, imposibleng magkaroon ka ng magandang buhay.

Pangatlo, hindi marunong magbayad ng utang. Ang perang ginamit mo ay kailangan mong ibalik sa taong nagpahiram sa’yo dahil kailangan din naman niya ng pera. Kahit pa sabihin mong mayaman siya, pinaghirapan pa rin niyang kitain ang pera na ‘yan kaya dapat lang na kapag may pera ka, ibalik mo rin ang pera niya.

O, ikaw ba ay nakatagpo ng taong walang utang na loob?

MAG

SHARE
Previous articleMga Dahilan Kung Bakit Hindi Nagiging Maayos Ang Pag-uusap
Next articleChinese Horoscope; Nobyembre 13

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here