Sen. Bam Aquino, miyembro ng Epalitiko?

0
190

Isang nakakatawang pagpapa-epal na naman ang walang pakundangang ginawa ng isa sa mga miyembro ng partido Liberal na si Senator Bam Aquino, pinsan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

“What we want to see is not just one more telco player. We need at least four or five. The more , the merrier. The more competitors you have, the lower the prices will be, the higher the quality is.” Ito ang saad ng senador sa programang The Source. Kung matatandaan ay isa sa mga pangako ng Pangulo noong nangangampanya pa lamang siya ay ang paggawa ng paraan upang bumilis ang internet connection ng bansa.

Hindi lingid sa kaalaman ng kahit sinong Pilipino kung gaano kalaki ang problemang mayroon ang Pilipinas pagdating sa internet connection ng bansa. Tayo ang isa sa may pinakamahinang internet speed sa buong Asya na tunay na nakapagtataka dahil isa naman ang internet natin sa pinakamahal.

Tila tine-take advantage ng malalaki at sikat na Telco companies sa bansa ang katotohanang sila lamang ang mapagpipilian ng milyon-milyong mga Pilipino na magpo-provide ng kanilang internet. Lalo pa at sa kabila ng katotohanang mahal at mabagal ang internet connection sa Pilipinas ay napakahilig pa rin gumamit ng mga Pilipino ng internet. Na sa tuwing mayroong mga kompetisyon na kasali ang isa sa mga representante ng Pilipinas at isa sa makapagpapanalo sa kanila ay internet votes, tiyak na pasok na ang ating manok.

Maliban pa diyan ang katotohanang isa tayo sa mahilig magpa-trending ng mga hashtags sa mga kung saan-saang social media platforms.

At isang kahiya-hiya pang pangyayari ang tunay na nakapangliliit ng nagkomento ang Chinese magnate at Alibaba founder na si Jack Ma ay ukol sa kung gaano kahina at kabagal ang internet connection ng Pilipinas.

Kaya naman noong nakaraang taon, September 2017, nagpahayag ang Pangulo ang maaaring maging solusyon sa problemang ito na hinaharap ng bansa.

“The only way to improve your service is bigyan kita ng kompetensya.”

“The President stressed that he would allow four to six foreign internet service providers to enter the country. He said a Chinese firm and a Singaporean-based company had already expressed desire to set up stations here.” (pcoo.gov.ph)

At ngayon nga ay tila balak na namang makiamot ni Senator Bam Aquino ng papuri mula sa mga mamayan oras na mabuksan na sa mga foreign Telco companies ang arena ng pakikipaglaban sa internet connection ng bansa.

Ang mga tagasuporta at kaalyado ng Pangulo ay agad namang nainis sa pagiging epal diumano ng senador at pakiki-ride sa mga magagandang plano ng Administrasyong Duterte.

Maging ang blogger na si Mocha Uson ay nag-post sa kanyang facebook page at sinabing, “2018 is the year of the EPALITIKO. Itong taon na ito maglalabasan na ang mga epalitiko. Magsisimula na sila gumamit ng kung anu-anong propaganda. Mga bill o proyektong hindi naman sila ang tunay na dahilan para akuin nila ito. Tulad nito si Bam Aquino na lantarang ginagamit ang usaping FREE TUITION FEE at FASTER INTERNET para tumatak na sa isipan ng tao na siya kuno ang dahilan nito… Sagad na sa kakapalan ng mukha itong si Bam Aquino.” Marami naman ang mga Pilipinong netizens ang sumansang-ayon sa sinabi na ito ng blogger at USEC.

Ito ay sa kadahilanang ilang taon din tayong pinamunuan ng isang EPALITIKO na wala namang nagawa kung hindi ang ngumawa sa harap ng mga Pilipino.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here