Secret sa parents ng kinse anyos ang pagkakaroon ng boyfriend

0
32
payo, artikulo, pag-ibig, kabiguan, pagmamahal, paghanga, martir, pag-asa,

Dear Maria,

Hindi alam ng parents ko na may boyfriend na ako. Fifteen pa lang kasi ako. Kahit naman kasi aminin ko sa kanila, alam kong hindi naman sila papayag kaya bakit pa ako magsasabi ng totoo. Masama po bang umasam ng kalayaan? — Rain

Rain,

Sa edad mong ‘yan, gusto mo na maging malaya? Oh my God, alam mo ba ang sinasabi mo? I’m sure hindi kaya nasasabi mo ang mga salitang ‘yan. Napakabata mo pa para intindihin ang iyong lovelife. Ang dapat ay nag-aaral kang mabuti para magkaroon ng magandang kinabukasan. Kaya, huminto ka muna at mag-isip.

Alam kong hindi mo magagawang intindihin ang mga paalala sa’yo ng mga nakakatanda. Baka nga itong sinasabi ko ay iisnabin mo lang. Sino ba naman kasi ako para pakinggan mo? Pero, sumulat ka rito kaya umaasa ako na kahit paano ay babasahin mo ito at nawa’y intindihin mo rin ang aking sinasabi. Kung hindi mo kasi gagawin ito, masasabi kong ikaw din ang kawawa. Kalimitan kasi ang mga teenager ay masyadong mapupusok. Mas pinaiiral ang nararamdaman kaya karamihan sa kabataan ay nagkakaroon ng miserableng kinabukasan.

Nabubuntis dahil mas ginamit ang puso kaysa utak. Hindi man kita kilala ng personal, ngayon pa lang ay sinasabi ko ng maaari itong mangyari sa’yo. Paano ba naman kasi hindi ito mangyayari, eh, naglilihim ka na sa parents ko. At alam kong maaaring nagsasabi ka na rin sa kanila ng kasinungalingan at pagkatapos niyan, mas gugustuhin mo ng makasama ang boyfriend mo kahit pagkatapos ng klase. Naku, huwag kang magpabigla-bigla sa’yong ginagawa, ah. Tinitiyak ko sa’yo na kapahamakan ang iyong patutunguhan niyan.

Masarap talaga ang ma-in love lalo na kung nararamdaman mong labis ka niyang pinahahalagahan kaya lang dahil nga sa teenager ka pa lang o kayo ng boyfriend mo, sinisiguro ko sa’yo na ang gusto mo ngayon ay hindi mo na gusto bukas. Sa madaling salita, maaari rin kayong magkasawaan lalo na kapag humarap na kayo sa mga pagsubok. Kaya, ang relasyon ninyo ay huwag mo munang seryosohin. I-enjoy mo muna ang iyong kabataan.

Bata ka pa, maging mabuting anak at mag-aaral ka muna. Hindi naman masama ang magka-crush pero kung papasok ka sa relasyon na hindi mo naman mapapanindigan, ikaw din ang magiging kawawa. Huwag kang gumaya sa iba na napariwara ang buhay. Mag-aral kang maigi para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Sinasabi ko ito dahil iyon ang makabubuti para sa’yo. Kaya sana, makinig ka muna sa mga magulang mo. Intindihin mo ang rules and regulations nila at tinitiyak ko sa’yo na magkakaroon ka ng magandang buhay pagkaraan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here