Scholarships for Filipino students

274
  • CHED Scholarship
                –           Ang scholarship na ito ay para sa mga incoming freshmen o first year college at para na rin sa mga nasa kolehiyo na. Maaaring mag-apply rito ay mga Filipino citizen na high school graduate o candidate for graduation. Pwede rin ito sa mga passer ng Senior High School ALS/PEPT at sa mga college students na mayroon nang naipon na units sa college. Ang mga magulang o guardian ay dapat may combined na less than 300,000 na gross income. At ang huli’y kailangan na hindi pa nakakagraduate o nakakatapos ng kahit anong kurso o degree.

See more

  • PhilFrance Scholarship

–           Ang scholarship na ito ay nakaost sa website ng Embassy of the france to the

Phlippines. Ang academic na ito ay ibinibigay sa mga Filipino leader na nagpakita ng katalinuhan at propesyonal na abilidad at may interes na makapag-aral sa France para sa Graduate degree. Ang mga qualifications ay dapat isang Filipino citizens at naninirahan sa Pilipinas sa oras na nagsasagawa ng aplikasyon. Para ito sa mga graduates o graduating students ng Philippine Higher Education Institution. At para naman sa mga mag-aaply ng PhD programs, dapat ay Master-level degree.

See more

  • DOST Junior Level Science Scholarship
                –          
    Ito naman ay scholarship na nagbibigay tulong sa edukasyon ng mga talentado at karapat-dapat na mga mag-aaral sa kanilang ikatlong taon sa kolehiyo na kumukuha ng kurso sa larangan ng agham at teknolohiya. Kung maipapasa ito ay halimbawa ng tulong na matatanggap ay P7,000 monthly living allowance, at P40,000 per Academic year para sa tuition at iba pang school fees. Ang mga qualifications para sa Junior Level Science Scholarship ay dapat na isang natural-born citizen, isang incoming third year college student na may kursong sakop ng mga priority courses ng DOST.

See more

  • DOH Medical Scholarship
                –          
    Ang program naman na ito ay para sa mga health-care professional o mga estudyanteng ang kinukuhang kurso ay nakalinya sa medicine. Hangad din ng programang ito na ang maging priority ay ang mga propesyonal na magbibigay tulong at alaga sa mga taong nasa malayong lugar at hindi madaling mabigyan ng tulong. Isa sa mga priority para sa scholarship na ito ay mga nabibilang sa indigenous people, mga biktima ng kalamidad, dependent ng mga police, sundalong nasugatan sa pakikipagbakbakan o namatay.
    See more
  • OWWA Scholarship
                –           Ang scholarship na ito naman ay para sa mga anak o malpait na kamag-anak ng isang OFW. Ang program na ito ay mag-gagrant ng benepisyo sa mga estudyanteng ang mga magulang o guardian ay miyembro ng OWWA at maaaring makatanggap ang pinansyal na tulong na may halagang 50,000-60,000 kada school year. I click ang link para sa iba pang detalye ukol rito.

See more

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here