Save the PLDT Contract

0
1200

#SavePldtcontractual

Isa lng po ako sa libo-libong nawalan ng trabaho bilang contractual sa isang higanteng kumpanya ng PHILIPPINE LONG DISTANCE TELEPHONE COMPANY (PLDT).Sa halos sampung taon kong paninilbihan bilang Service staff di ko akalain na sa isang iglap ay mawawalan ako ng trabaho.lumabas ang final desisyon ng DOLE (Department of Labor and Employment) na iregular lahat ang contractual employees sa kumpanyang ito.Ang sabi ng Department  of labor ay regular na kami simula June 1, 2018 mahigit pitong libong contractual dapat  regular na. Ngunit hindi sumunod dito ang PLDT. Binigyan sila ng panahon ng DOLE upang makapagdesisyon. Sa loob ng isang buwang palugit July 1, 2018 lahat ng agency, 38 agencies ay pinasara ng DOLE sa PLDT dahil nga dapat direkta na nila kaming empleyado. Sa kasamaang palad ay hindi pa din sumunod ang PLDT. Madami silang Kung anu-anong dahilan. Akala namin noon, kahit papaano ay mabibigyan na namin ang aming mga pamilya ng maayos na buhay sa pagiging regular na empleyado. Ang masaklap, lahat ay nawalan ng trabaho, kasama na ang mga baguhan bilang contractual na aabot sa mahigit pitong libo. Ang masakit pa nito, halos hindi man lang pinag-uusapan sa media sa kabila ng aming pagigiit sa aming karapatan, kahit naglabas na ang Department of Labor ng clarification at kami ay ngpunta sa HR upang igiit ang desisyon para sa amin ngunit kabiguan lang ang aming napala. Nakailang balik din kami sa opisina ng PLDT HR kasama namin ang pamunuan ng Manggagawang Kumunikasyon ng Pilipinas (MKP) subalit sila man, sa kabila ng kanilang pagsisikap ay walang magawa!

Apat na buwan na ang nakalipas, gutom na ang aming mga pamilya. Madami sa aming mag- isang Itinataguyod ang pamilya Sana matapos na ang kasong ito at makabalik na kami sa aming mga trabaho lalo na’t palapit na ang kapaskuhan. Huwag naman sanang tuluyang mabalewala o mabasura ang maraming taon naming iginugol sa kumpanyang ito. Sana ay mabigyang pansin ang aming mga hinaing. Umaasa kami na isang araw ay muling magbubukas ang kanilang pintuan para dinggin ang aming mga kahilingan at bigyan ng konsiderasyon ang aming mga pinaghirapan. Dahil sa tagal ng aming naging serbisyo ay napamahal na rin sa amin ang aming trabaho kaya sana naman ay maunaawan nila kung ano ang aming nararamdaman at aming pinagdadaanan sa ngayon. Bilang mga trabahador na nag-ubos ng oras at panahon sa trabahong ito, sana ay maibigay ang nararapat para sa amin.

Buong puso akong nagpapasalamat sa MKP MA na walang sawang umaagapay sa amin hanggang sa kasalukuyan. Sa tulong po ninyo patuloy kaming lalaban hanggang sa huli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here