Sapin-saping paghihirap ni Lorry Mai

410

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Nakakalungkot isipin na kapag nakuha na ng isang tao ang gusto niya ay magagawa ka na ring balewalain pagkaraan.

 

Uy, mga katsismosa, hindi ko naman sinabi ang mga salitang ito dahil humuhugot ako. Matagal na akong naka-move on sa ex ko at super happy ako sa Dhie ko. Hindi naman kasi ako nakatuon sa lovelife ko ng sabihin ko ito kundi dahil wala ng pakialam ang recruitment agency sa mga OFW workers na napadala nila sa ibang bansa kapag nagkaproblema na ito.

Nakakainis man ang ganoong recruiter, wala namang magagawa ang kanilang OFW workers kundi maghintay ng tulong. Kaya, kung minalas ang mga workers natin tulad nitong si Lorry Mai Padre Balandiang talagang wala kang magagawa kundi ang umiyak at maghintay ng tulong.

Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan ko, mga katsismosa, talaga kasing ang sakit sa dibdib iyong ideya na ngayong nagdurusa ka sa ibang bansa ay wala kang magawa dahil mag-isa ka lang doon at walang tumutulong sa’yo. Gaya nga ng kalagayan ngayon ni Lorry Mai Padre Balandiang. Siya ay ikinukulong ng kanyang amo kahit mag-isa lang naman siya sa bahay na iyon. Tapos noong apat na buwan na siya ay nagawa siyang saktan.

Ibig man magsabi ni Lorry Mai na tama na, wala siyang magawa. Mabuti na lang talaga at kahit nawawalan ka na ng pag-asa ay mayroon pa ring ipapadala ng langit para tulungan ka. Isang kaibigan kasi niya ang nag-post sa FB para makahingi ng tulong dahil sa hindi makatarungang trato sa kanya ng employer. Katakut-takot na paghihirap din ang kanyang naramdaman dahil kahit na marami ang labahin ay hindi pinapagamit ang washing machine. Okay lang sana na mano-mano ang paglalaba kung siya ay pinagpapahinga ngunit hindi.

Pagod na pagod sa pagtatrabaho si Lorry Mai kaya lang hindi siya nakakaranas na magpahinga. Marahil, nanghihinayang ang biyenan ng dapat sana ay amo niya sa ipinapasahod sa kanya kaya gusto palagi na sulit na sulit.

Dahil sa pinagdaraanan na iyon ni Lorry Mai, dapat naman sana ay tulungan na siyang ng recruitment agency niya ngunit dinededma lang siya nito. Sa palagay tuloy ng marami, kaya walang imik ang agency ay wala silang pakialam sa nangyayari sa OFW basta ang mahalaga sa kanila ay kumikita sila. Kung ganoon ang takbo ng Recruitment agency nila, dapat ay maturuan sila ng leksyon. Ngunit sa ngayon, hindi sila ang priority kundi ang kaligtasan ni Lorry Mai.

SHARE
Previous articleAng kahulugan ng paghuhukay ng alahas
Next articlePantay-pantay na Pagrespeto
My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here