SANIB BASE SA TOTONG KWENTO

Tawagin nyo na lamag po ako sa pangalang Imang. 44 napo ako ngayon. Ang kwento kopong itoy ang aking karanasan noong akoy 18 anyos pa lamang.

Tubo po akung leyte pang 3 sa walong magkakapatid.16 na taon ako noong akoy isinaman ng aking tiyahin upang maging katuwang niya sa gawaing bahay. Tumagal ako ng isang taon at anim na buwan sa kanila at naisipan kung umalis upang maghanap ng mas mataas na sahod para makatulong sa aking mga magulang sa probensya. Nakahanap ako ng panibagong trabaho sa may Greenhills San Juan. Maganda ang sahod ko doon nakakapagpadala ako sa aking mga magulang buwan buwan

Napakalaki ng bahay ng aking amo at may malaking puno ng mangga sa harap ng bintana ng aking tinutulugan.Umabot ako ng anim na buwan hanggang sa niligawan ako ng driver ng aking amo.sa loob ng 3 buwan nyang panliligaw ay plano kona siyang sagutin ng bigla akong dinapuan ng kakaibang sakit.Noong una ang aming buong akala ay isa lamag simpling lagnat.Ngunit lumala ito lumala!Na diko na alam ang mga nangyayari sakin.

Pagsapit ng alas sais ng hapon ay bigla na lamang nanlilisik ang aking mga mata at nagkakaroon ako ng kakaibang lakas na pati boses ko ay naging boses lalaki. Ako may walang alam sa mga nangyayari, nalalaman kona lng pag ako nahimasmasan na at nasabi na nila sakin ang mga nangyayari. Pati ang mga doctor ay di alam kung anong klaseng sakit and dumapo sa akin.

Lumuwas ang aking ina sa manila at sinikap na makanap ng magaling na albularyo upang akoy maipagamoy. Lumala pa lalo ang ang sakit ko na para na akung bumabalik sa pagkabata na ultimo daw aking dumi ay aking pinaglalaruan .

Nakahanap sila ng magaling na albolaryo sa may antipolo sabi nila habang palapit kami ng palapit sa lugar ng manggagamot ay muli nanamang nanigas ang aking katawan nag boses lalaki ako at ngtatawa.

Pagsapit namin sa lugar at akoy natingnan ng mangagamot sinabi nyang akoy nagustuhan ng KAPRI na nakatira sa puno ng mangga sa aking pinagtratrabahuhan.Nakailang balik din kami sa albolaryong yon bago ako tuluyang gumaling. binigyan niya ako ng tilang pula na kailangang laging nakakabit sa aking katawan upang dina ulet nakalapit sakin ang KAPRI.

Ngaun ako ay may lima ng mga anak at masayang namumuhay Kya wag na wag ninyong baliwalain ang sanib sapagkat ito ay may katotohanan

Maraming Salamat sa pagbaba sa ng aking kwento, God bless and more powers!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here