Sanhi ng pagkawala ng tiwala sa sarili

Kung ikaw ay isang taong walang tiwala sa iyong sarili, maaaring ikaw din ay tulyang babagsak sapagkat hindi ka makakahanap ng mga paraan na harapin ng mga problemang kinakaharap o haharapin pa lamang.

Takot kang sumubok ng mga bagay na dapat gawin sapagkat lagi kang may pangamba sa iyong puso at isipan. Takot kang makutya o pagtawanan ng mga taong nakapaligid sayo kaya ikaw ay pinanghihinaan ng loob ng gawin ang mga bagay bagay.

Bakit ito nangyayari? Marahil ikaw ay nakaranas ng kabiguan  na hindi mo kayang alisin sa iyong isipan.nasa bawat pagsubok mo gumawa ulit na isang bagong bagay ay naiisip mo kung paaano pa kung sa kabiguan lamang din ito hahantong.

Ngunit dapat nga bang lagi mo itong pakaiisipin? Hindi bat dapat ay gamitin mo ang kabiguan na ito upang mas mapagtagumpayan mo ang pangarap mo sa buhay? Hindi bat dapat mas lalo kang magsumikap na hindi na muli maulit pa ang kabiguan na nagdaan?

Maging positibo ka, kalimutan ang masakit na kabiguan, kalimutan ang takot sa puso. Sa halip mas maging matatag kang haparapin ang buhay na puno ang pag-asa upang sa lahat ng pagsubok na dadating handa ka, at lahat ay iyong mabibigyan ng sulosyon at magtagumpay sa mithiin sa iyong buhay. Wag matakot dala ng isang masakit na kabiguan ng nakaraan. Harapin ang buhay na puno ng pag-asa, pananalig pagsusumikap at tyaga

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here