Sana Dalawa ang Puso April 11: To the rescue si Martin sa pamilya ni Mona

sana dalawa on philippineone

Sa Sana Dalawa ang Puso April 11, ay hindi nagdalawang isip si Martin (Richard Yap) na saklolohan ang pamilya ni Mona (Jodi Sta.Maria) nang guluhin ito ng kapwa tindera ng biko. Pinabintangan sina Mang Ramon (Edgar Mortiz) at Aling Lena (Alma Moreno) na ang tinda nilang biko ay may lason. Nalason kuno sila sa bikong tinda ng mga Bulalayao. Mabuti na lang at to the rescue si Martin. Ipinagtanggol niya ang mga Bulalayao at ipinaliwanag sa mga nagrereklamo ang mga kasong haharapin nila kapag hindi nila napatunayan na nalason nga sila dahil sa biko nila Aling Lena. Sa panahon ngayon ay marami talaga ang klase ng mga tao na handang siraan ang kapwa dahil sa inggit. Gagawin ang lahat mahila lamang pababa ang kinaiinggitan nila kesehodang makarating pa sila sa presinto ay paninindigan nila ang kasinungalingang tinahi nila. Kaya sigurado akong marami ang naka-relate sa eksenang ito ng Sana Dalawa ang Puso.

Samantala, marami rin tiyak ang naka-relate sa eksenan naman ng magkakapatid na Tabayoyong. Sinikap ni Tads (Ylona Garcia) na makagawa ng paraan para magkabati ang mga kapatid na sina Tinay (Miles Ocampo) at Tisay (Annali “Ali” Forbes). Naiipit na kasi siya sa bangayan ng mga ito at sigurado naman na hindi rin gugustuhin ng Kuya Leo (Robin Padilla) nila ang ganitong pangyayari kapag nalaman nito ang hindi pagkakaunawaan ng mga kapatid.

Ang eksena naman nina Leb (KitKat) at Chot (Ryan Bang) ang parang naging dessert ng epsiode ngayon. Naulit kasi sa kanilang dalawa ang eksena noon nina Lisa (Jodi Sta.Maria) at Leo noong tinitigan ni Leo si Lisa na ang tanging nakapagitan sa kanila ay ang glass wall. Ganoon din ang nangyari kanina kina Leb at Chot habang nililinis ni Chot ang salamin ay todo emote si Leb sa mukha niyang pagod sa trabaho habang nakapikit. At nang magmulat nga siya ng mata ay mukha ni Chot ang nabungaran niya kaya todo tili rin siya. Mukhang may chemistry silang dalawa at hindi na lang ang tambalang Leo at Lisa, Martin at Mona ang aabangan sa Sana Dalawa ang Puso kundi pati na rin ang tambalang Lebchot or Chotleb.

Kaya makiabang tayo sa mga susunod pang episodes at tutukan din natin kung ano ang kahahantungan ng pagkukrus ng landas nina Leo at Mr. Chua (William Lorenzo) sa Sana Dalawa ang Puso.

More TV Reviews

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here