San Miguel Beermen, kampeon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup

San Miguel Beermen: 2019 PBA Commissioner’s Cup champions. (PBA Facebook page photo)

KAMPEON ang San Miguel Beermen, iba ang may pinagsamahan.
Tinalo ng Beermen, ang TNT KaTropa sa Game 6 sa score na 102-90, sa Best-of-seven ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals (4-2 series) at nakuha ang kampeonato na ginanap sa Smart Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi, Agosto 16, 2019.

Matatandaang noong 2017 PBA Commissioners Cup Finals, nakuha ng Beermen ang titulo.

Tulad noong 2017, natalo ng SMB ang katunggali nitong TNT sa Game 6 sa score na 115-91 sa larong ginanap sa Big Dome.
Sa nakaraang 2018 PBA Commissioner’s Cup, naagaw naman ng Barangay Ginebra San Miguel ang kampeonato kung saan tinalo ang Magnolia Hotshots.

Terrence Romeo: PBA Honda Commissioner’s Cup Finals-MVP (PBA Facebook page photo)

Ngayong Year of Earth Pig, nakuha na ng SMB ang Philippine Cup at ang Commssioner’s Cup at isa na lang ang Governors’ Cups, na kung makukuha ng Beermen ang kampeonato ay grand slam na para sa 44th season ng Philippine Basketball Association (PBA), ang first professional basketball league sa Asia at second oldest professional basketball league sa buong mundo, sumusunod sa National Basketball Association (NBA).

“Nakuha na namin yung second part. Isa na lang,” sabi ni SMB representative to the PBA board Robert Non.
Ang San Miguel Beermen ay clubs owned ng San Miguel Corporation kung saan nakapagtala na ng 27 championships mula nang pumasok ito sa PBA noong 1975.

Bukod dito, nakuha ni Terrence Romeo, ang PBA Honda Commissioner’s Cup Finals-Most Valuable Player award kung saan nagtala ito ng 14.8 points, 4.3 assists at 2.3 rebounds, habang Player of the Game si Christian Standhardinger na nagtala ng 18 points, 6 rebounds.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here